IKA nga nila, ang kapaskuhan is a season of giving.
Kaya naman ang YouTube vlogger na si Madam Inutz, maaga nang namigay ng pamasko.
Ayon pa sa vlogger, nais niyang mapasaya ang mga residente na kamakailan lang ay sinalanta ng bagyo.
Namahagi siya ng Christmas food packs sa mga probinsya ng Cavite at Batangas.
Sa latest YouTube vlog, mapapanood na ilan sa mga pinamigay niya ay sako-sakong bigat at mga kahon ng relief goods.
Chika pa ni Madam Inutz, “Mamimigay ang ka-freshness, Ka-Inutz at siyempre ka-Budol natin diyan. Siyempre pupunta kami ng Cavite…Magdadalawang ano kami, magdadalawang alis kami ngayong Friday at sa susunod is Sunday sa Batangas naman dadalhin ‘yung iba para siyempre kahit papaano ay maraming barangay ‘yung magkakaroon ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.”
Sinabi rin ni Madam Inutz na ginawan pa niya ito ng video upang magsilbing inspirasyon at magandang ehemplo na magbigayan ngayong paparating na ang Pasko.
Sey ni YouTube star, “Gusto naming masaksihan ninyo ang aming mabuting layunin bilang mga influencer.”
Patuloy pa niya, “Mga ka-Inutz, hindi namin bina-vlog ito dahil gusto naming magpasikat ha. Bina-vlog namin ito para naman, meron kaming memory.”
“Eh siyempre, binabalik-balikan namin ‘yung mga magagandang bagay na ginagawa namin para sa aming sarili, at siyempre masarap lang din sa feeling ‘yung nakakatulong kami kahit papaano, o diba,” aniya.
Marami ang napasaya ni Madam Inutz sa kanyang vlog, hindi lang ang mga binigyan niya ng maagang pamasko, kundi pati rin ang kanyang fans na nanood ng kanyang vlog.
Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.
“Good job madam. Sana lahat ng mga vlogger ganito ang gawin sa buong pinas para kahit papaano masaya naman ang mga taong matulungan. Godbless”
“Wow Madam Inutz congrats.. napakabuti ng mga puso niyo. More blessings and godbless (red heart emoji)”
“Hi madam Inutz. Ang bait mo talaga kagaya ni Sir Wilbert at idol Herlene. Keep up the good work madam. The more you give it will come back to you 7× from God’s blessings.”
“Woooooowwwwww bongga! Ipagpatuloy mo ang iyong kabaitan at always sharing to the ferson Madam Inutz”