Jane de Leon ibinandera ang bonggang birthday party: My special celebration is a success!

Jane De Leon ibinandera ang bonggang birthday party: My special celebration is a success!

PHOTO: Instagram/@imjanedeleon

ANG taray naman ng mga artista ngayon!

Dahil biruin mo, sunod-sunod ang nababalitaan nating bonggang party nitong mga nakaraang linggo.

Hindi naman nagpadaig ang “Darna” actress na si Jane de Leon na ipinagdiwang ang kanyang ika-24th birthday sa isang luxury resort sa Parañaque City nitong November 26.

Ibinandera pa ng aktres ang ilang masasayang litrato sa Instagram at makikita na bukod pa sa kanyang mga pamilya at kaibigan, star-studded ang kanyang party.

Ilan lamang sa mga nandoon ay sina Julia Barretto, Gerald Anderson, Darren Espanto, Angel Aquino, Hayden Kho, Enchong Dee, Tim Yap, Paolo Gumabao, Zaijian Jaranilla, at marami pang iba.

Sa caption, lubos na nagpasalamat si Jane sa mga nakisaya sa kanyang kaarawan, pati na rin ang mga taong ilang taon na siyang sinusuportahan.

Wish niya raw na dumami pa ang blessings at mga bagong oportunidad sa kanyang buhay.

Sey niya sa post, “My night with family and friends was filled with fun and surprises.

“My heart is overwhelmed because of these beautiful souls celebrating with me. I love you guys! (white heart emoji) So thankful to the many blessings God has given me.”

Dagdag pa niya, “To the people who showed me their love and support all these years and made me who I am today, I love you! (sparkles emoji)  Looking forward to more opportunities and blessings in the years ahead (Folded Hands emoji)”

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga naging abala sa pag-aayos at pag-oorganisa ng kanyang party.

“Lastly, the people behind the event, despite the lack of time and busy schedules you were still able to make my special celebration a success. THANK YOU!,” ayon sa post.

Noong martes, November 22, pa ang kaarawan ni Jane na kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang pictorial na suot ang isang bandana tube at green pants na puno ng sequence.

Caption pa niya sa post, “Cheers for the best birthday gift ever – another year of life story to tell! (cake emoji)”

Bukod sa mga kapwa-artista, libo-libong netizens at fans ang nagpaabot ng “happy birthday” message sa aktres.

Related chika:

Jane de Leon nakatikim ng ‘banayad’ na halik kay Joshua Garcia

Jane de Leon um-attitude raw sa isang event, organizer nagsalita na

Darna nakipag-bonding sa mga jeepney driver; Jane de Leon sumabak sa pagiging kundoktor

Read more...