Loisa, Ronnie 6 years na, nagdiwang ng anniversary sa Palawan: ‘Life with you just keeps getting better…’

Loisa, Ronnie 6 years na, nagdiwang ng anniversary sa Palawan: ‘Life with you just keeps getting better…’

PHOTO: Instagram/@iamandalioloisa

NAGBAKASYON sa isang beach sa El Nido, Palawan ang celebrity real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Ipinagdiwang kasi nila ang kanilang 6th anniversary bilang couple.

Ito ay sa kabila ng mga kumakalat na “breakup rumors” tungkol sa dalawa.

Sa Instagram, ibinandera ni Loisa ang kanilang intimate dinner date na nasa beach.

May sweet caption pa itong, “life with you just keeps getting better…

“happy 6 years, thank you!I love you (red heart emoji) @iamr2alonte

“To a lifetime of happy anniversaries“

Pero bago ‘yan ay may serye na ng posts si Loisa ng kanilang pamamasyal sa Palawan day before ng kanilang anibersaryo.

May caption pa nga itong, “6 years tomorrow!!!!!”

Maraming fans naman ang masayang bumati sa dalawa at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa mga komento.

“Happy 6 anniversary love u both at Sana kayo na Hanggang dulo walang iwanan.”

“Ayie! Cute nyo bebeh lovess! Enjoy kayo diyan and thanks for sharing pics!! Happy 6 years (red heart emoji)”

“Happy anniversary sa inyong dalawa! Stay strong and ingat sa bakasyon!”

Kung matatandaan, ipinagdiwang ng celebrity couple ang kanilang anniversary last year sa beach naman ng Siargao.

Taong 2017 nang kinumpirma ng dalawa sa publiko na sila ay magkarelasyon na.

Unang nagtambal sina Loisa at Ronnie sa teleseryeng “The General’s Daughter” noong 2019, at sumunod naman diyan ay ang “Unloving U” na ipinalabas noong nakaraang taon.

Nitong Mayo naman ang latest project nila together na pinamagatang “Love in 40 Days.”

Related chika:

Loisa Andalio sa breakup issue nila ni Ronnie Alonte: Walang maghihiwalay…

Loisa napaiyak sa presscon nang mapag-usapan ang kamatayan; Ronnie siguradong sa langit daw mapupunta

Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby!

Read more...