Robin nag-panic, isinugod ang anak na ospital dahil pabalik-balik ang lagnat; Mariel mas naseksihan pa sa asawa

Robin nag-panic, isinugod ang anak na ospital dahil pabalik-balik ang lagnat; Mariel mas naseksihan pa sa asawa

Mariel Rodriguez, Robin Padilla, Isabella at Gabriella

MAY ginawa kamakailan si Sen. Robin Padilla na ikinatuwa at talagang mas ikinabilib pa ng kanyang pinakamamahal na asawang si Mariel Rodriguez.

Naikuwento ni Mariel ang tungkol dito nang makachikahan ang ilang members ng entertainment press sa launch ng bago niyang talk show na “M.O.M.S.” kasama sina Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto na mapapanood na sa ALLTV bukas.

Sey ni Mariel, mas lalo pa siyang humanga at na-in love kay Robin nang muli nitong patunayan kamakailan ang pagiging responsable at napakabait na tatay.

Aniya, kahit daw pagod at busy ang aktor sa kanyang trabaho bilang public servant ay talagang hindi pa rin nito nakakalimutan at napapabayaan ang kanyang responsibilidad sa dalawa nilang anak.

Pagbabahagi ni Mariel sa mediacon ng “M.O.M.S.”, isinugod daw last Monday ni Robin ang anak nilang si Isabella sa hospital dahil sa pabalik-balik na lagnat.


Three months na raw itong nangyayari kaya nang lagnatin uli  noong Lunes ay talagang naalarma na ang senador at isinugod na ang kanilang anak sa ospital.

“Si Robin, nagpa-panic na. Sabi niya, ‘Yung anak ko yata, tinamaan ang baga, may ano, humina na ‘yung baga.’ Nag-panic siya, kahapon, we dropped everything nu’ng umaga, siya mismo, dinala niya sa doktor ‘yung anak niya, hawak-hawak niya, pina-Xray niya.

“Of course, perfect po ‘yung heart and ‘yung chest as I expected. Pero ibinigay ko na ‘yun sa kanya. Para meron siyang peace of mind. Para makapagtrabaho siya.

“After nu’n, nagpunta siya sa Plenary, and wala siyang iniisip. Alam niya na okay ‘yung anak niya,” dire-diretsong chika ni Mariel.

At dahil dito, mas lalo pa siyang humanga sa asawa, “I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya ‘yung oras niya para sa mga anak namin.

“But at the same time, hindi niya naman nakakalimutan ‘yung tungkulin niya. Pero I just found it na parang ang galing niya,” sey pa ng TV host.

Hirit pa ni Mariel, “Sabi ko nga sa kanya, for me, I found it so sexy. Oo, ‘yun talaga ang mga naganap, Mhie! Sabi ko talaga, ‘I think, very sexy ‘yung ginawa mong ‘yun, makes me love you more,’ ganyan-ganyan. ‘Yan ang mga ganap namin.”

Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

Mariel Padilla nawindang sa school project ng anak: Nu’ng bata ako polvoron ang ginagawa

Kita ni Mariel sa ‘Cooking Ina’ meat business ginagastos sa kampanya ni Robin

Read more...