Lambing ni Zoey kay Ka Tunying: Daddy, hawakan mo po yung kamay ko…when I’m holding your hand I don’t feel alone

Lambing ni Zoey kay Ka Tunying: Daddy, hawakan mo po yung kamay ko...when I'm holding your hand I don't feel alone

Zoey Taberna at Anthony Taberna

BALIK-ESKWELA na ang anak nina Anthony at Rossel Taberna na si Zoey matapos makipaglaban nang halos dalawang taon dahil sa cancer.

Masayang ibinalita ni Ka Tunying sa presscon ng bago niyang programa sa ALLTV channel 2, ang “Kuha All”, na unti-unti nang nagiging normal muli ang buhay ng panganay na anak.

Aniya, twice a week daw nagpe-face-to-face classes si Zoey ngayon at patuloy pa rin nilang ipinagdarasal ang tuluy-tuloy na recovery ng kanilang anak na cancer survivor.

Sey pa ni Ka Tunying, after ng halos kalahating taon ng pagpapagamot sa Singapore, magaling na ang 13-year-old na anak na nagsimulang makipaglaban sa leukemia noong December, 2019.

Sa latest Instagram post naman ng veteran broadcast journalist, mababasa ang mahaba niyang kuwento about Zoey.

Kalakip ang litrato ng magkahawak-kamay nila ng bagets, narito ang buong IG post ni Ka Tunying.

“Makulimlim ang panahon, parang naging senti tuloy ako. Di maiwasang alalahanin ang mga malulungkot na nangyari sa taong ito.

“January 22, 2022 ang picture na ito. Kamay namin ito ni Zoey habang nakaratay siya sa pagamutan dun sa Singapore halos sampung buwan na ang nakakalipas.

“Ito yung mga panahon na alam kong pinipilit niyang maging matapang kahit napakasakit, napakakirot ng kaniyang pakiramdam.

“Sa aking upuan ay tinawag niya ako na tumabi sa kaniyang higaan. Hiling niya sakin ‘Daddy, hawakan mo po yung kamay ko. When I’m holding your hand, I don’t feel alone,’ sabi ni Zoey.

“Yun naman ang gagawin ko at kahit ano pang sabihin niya upang maibsan ang kaniyang lungkot, takot at iniindang kirot.


“Kanina sa pagsamba, naluha man ako ay hindi dahil sa kalungkutan kungdi kaligayahan nang basahin ng aming Pastor na si Bro. Riovida Roy ang talata na wari ay kasagutan sa aking tanong noon pang unang nagkasakit si Zoey.

“Ito rin ay testamento ng pakikinig ng Diyos nang pagalingin Niya si Zoey.

“Kung ipahintulot man ng Panginoon na kayo’y magkasakit o magdanas ng hirap, siya na inyong guro, ay hindi magtatago sa inyo.
Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang inyong daraanan.

“Ngunit ang Diyos ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan, Siya ay Diyos na makatarungan. Mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.” (Isa. 30:20-21 at 18)

“Kaya huwag tayong magtatampo kung tayo man o ang mahal natin sa buhay ang magkasakit. O kahit na dumaan sa iba pang uri ng pagsubok. Tutulong Siya at maaawa sa lahat ng sa Kaniya’y lubos na magtitiwala.

“Salamat po muli, Ama sa biyayang dulot ng pagsamba. Happy Sunday po sa lahat ng Kapatid sa buong mundo,” mensahe ni Ka Tunying gamit ang mga hashtags na #SalamatPoAma, #MabiyayangPagsamba at #onewithEVM.

Ka Tunying sa patuloy na paglaban ni Zoey sa leukemia: Konti na lamang, bumabalik na sa porma

Ka Tunying naniniwalang magaling na ang anak na may leukemia: Siya ang pinakadakilang Manggagamot!

Ka Tunying sa paggaling ni Zoey: Sa Panginoong Diyos kami nagtiwala, gumawa Siya ng himala!

Read more...