Bea Alonzo nabili ang sariling bahay sa Spain sa halagang P30-M; nagetsing na ang Golden Visa

Bea Alonzo nabili ang sariling bahay sa Spain sa halagang P30-M, nagetsing na ang Golden Visa

Bea Alonzo

DAHIL sa nabiling bahay ni Bea Alonzo sa Madrid, Spain na nagkakahalaga ng 500,000 euros o P30 million ay legal na siyang residente ng nasabing bansa.

Ito ang sinabi ng aktres sa isang event pagkagaling niya ng Europe kung saan nagbakasyon siya nang matagal kasama ang inang si Mommy Mary Ann Ranollo at step dad nitong si Dondon Carlos.

Sumunod din doon ang boyfriend niyang si Dominic Roque.


Ayon sa aktres ang pinakamagandang nangyari sa mahabang bakasyon niya sa Madrid ay nang makuha na niya ang Golden Visa o Spanish Government Residency by Investment (RBI) program.

“Galing ako sa isang mahabang bakasyon. 26 days, almost a month. Kakauwi ko lang this week from Europe. The reason why I went there was because I wanted to get my Golden Visa to Spain, so I’m now a resident of Spain,” kuwento ni Bea.

Nabanggit pa niya na bilang bagong residende ng Spain ay hindi siya required manatili sa nasabing bansa at visa free na siya kapag nag-travel sa Schengen area ng European Union. Ang benepisyong ito ay extended sa kanyang Mommy Mary Anne.

“Yung Spanish government kasi, if you have a certain amount to invest sa real property nila, you will be granted a Golden Visa which means you are automatically a resident. After two years, you can apply for citizenship which am not gonna of course, but, at least, there is that option.

“I’ve always been fascinated with the idea of living abroad. But not because I already have a place there doesn’t mean doon ako titira. Of course, I’m gonna live here (Philippines). It just so happened that I love Madrid, I love Spain and I have a lot of friends there,” say ng dalaga.

Wala naman sa plano ng aktres na magtrabaho sa Spain dahil nandito ang karera niya at relaxation o gusto lang niyang mag-unwind kapag pumunta siya roon.

Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy

Robin muling nakasama si Mariel, 2 anak sa Spain; susulitin ang bakasyon bago sumabak sa senado

Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect

Read more...