Mikee Quintos muling binuhay ang YouTube channel: I hope to spread happiness and positivity

Mikee Quintos muling binuhay ang YouTube channel: I hope to spread happiness and positivity

PHOTO: Instagram/@mikee

MUKHANG may bagong aabangan ang fans ng Kapuso actress na si Mikee Quintos.

Muli kasing binuhay ng aktres ang kanyang YouTube channel at masayang inanunsyo ang kanyang upcoming vlog series ng “Sincerely, Mikee.”

Ibinandera pa niya mismo ang isang teaser video na makikita ang pagiging fashionista niya.

Tampok sa video ang ilan sa kanyang chic outfits, mula sa mga flowy dress hanggang pantsuits.

Ayon pa sa Kapuso actress, hindi lang buhay artista ang kanyang ibabahagi sa “Sincerely Mikee,” kundi pati rin daw ang kanyang special moments sa buhay.

Caption niya sa YouTube video, “Holla, Sweetie! Welcome to ‘Sincerely Mikee’, my official YouTube channel where you can have a peek into my professional and personal life — and of course, the special moments in between.”

Lahad pa sa post, “In this way, I hope to spread happiness, motivation, and positivity to all of you dreamers out there… just like me. Come and join me in this journey by subscribing!  See you soon, Sweetie!”

Maraming fans naman ang looking forward sa upcoming vlogs ng aktres at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“Can’t wait for this (red heart emoji) I love you!”

“Looking forward to seeing it.”

“Gorgeous talaga ng queen ko d nakakasawang tignan can’t wait po excited na ako (red heart emoji)”

“Ang pretty, napa subscribe ako agad agad.”

Kasalukuyang in a relationship si Mikee sa aktor na si Paul Salas.

Nitong Hulyo lang isinapubliko ng dalawa ang tunay nilang relasyon at inaming isang taon na silang mag-on.

Related chika:

2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’

Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa ‘The Flower Sisters’, umaming nag-struggle sa taping

Paul Salas aminadong ‘clingy’ na dyowa kay Mikee Quintos; pananampal ni Barbie Forteza kay David Licauco trending

Read more...