SARAH gumastos ng malaki para kay KLARISSE sa THE VOICE pero talo pa rin | Bandera

SARAH gumastos ng malaki para kay KLARISSE sa THE VOICE pero talo pa rin

Ambet Nabus - October 03, 2013 - 03:00 AM


Wala kaming makitang masama kung totoo man ang tsismis na diumano’y namigay si Sarah Geronimo ng pera o kontribusyon sa mga aktibong Popsters na all-out ang ginawang suporta kay Klarisse sa The Voice of the Philippines.

Una, very vocal naman si Sarah sa pagsasabi na kahit na anong mangyari ay hindi niya pababayaan ang minsan niyang nakalaban sa singing contests noong araw.

Ngayon pa raw bang hinog na hinog na ito for superstardom, what with her singing talent? Ikalawa, noon pa man ay isinali at ineengganyo na ni Sarah ang kanyang Popsters sa katatapos lang na singing search na mayroon ngang text voting and music downloading/uploading factor para makatulong sa mapipiling The Voice grand winner.

Kaya kung totoo mang nagbigay ng ambag na pera si Sarah para makatulong, eh wala kaming makitang pangit dahil as a coach, karapatan niya yun at bahagi yun ng obligasyon niya sa kanyang alaga.

Pero may nagsasabi naman kapatid na Ervin na malamang na tsismis lang ito dahil kung sakali mang nag-ambag nga si Sarah, eh di sana daw ay nilubos na nito at sinapat na ang tulong para masigurong mabibigyan ng bonggang boto si Klarisse.

In all fairness, kahit naman hindi naideklarang grand winner si Klarisse, sa aming panlasa ay siya ang posibleng magkaroon agad ng bonggang career dahil from among the finalists, siya ang pinakamadaling  i-market.

Sa boses at performance ay hinangaan namin si Janice Javier kahit pa may nabasa kaming thread sa internet na hindi raw ito marunong mag-acknowledge man lang ng mga tumutulong sa kanya.

Then we also rooted for Rahda na noon pa ma’y legit singer na at magaling talaga. Nang mapanood naman namin si Mitoy bilang front act ni Paula Bianca through Tito Alfie Lorenzo’s invitation, napabilib kami sa kakaibang atake nito sa mga kanta.

Sana nga lang ay mag-translate ang panalo niya sa matagal na niyang inaasam na career sa music industry.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending