Rabiya Mateo natakot kay Ian Veneracion: Hindi talaga ako makatingin sa mga mata niya…
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rabiya Mateo at Ian Veneracion
“KAYA ko bang magkaroon ng on-screen chemistry?” Yan ang dudang tanong ng TV host-actress na si Rabiya Mateo sa pagtatambal nila ni Ian Veneracion.
Isa ang dating beauty queen sa mga leading lady ni Ian sa kanyang latest movie-series na “One Good Day” na idinirek ni Lester Ong.
Aminado si Rabiya na talagang inatake siya ng matinding kaba nang makaeksena na niya ang seasoned actor sa kanilang serye kung saan nakasama rin nila sina Andrea Torres, Joel Torre at Aljur Abrenica.
“Nu’ng nalaman ko po na I’m gonna be partnered with Sir Ian Veneracion. I was kinda scared kasi sabi ko, ‘Kaya ko ba magkaroon ng on-screen chemistry?’, kasi si Sir Ian napakagaling niyang aktor,” simulang pahayag ng dalaga sa panayam ng GMA Network.
Pagpapatuloy ni Rabiya, “Yung pressure nando’n talaga na kailangan ko rin galingan, kasi, hindi rin madali ‘yung role ko kasi ‘yung mangyayari sa akin will spark a lot of changes sa buhay ng character ni Sir Ian at mga decisions na gagawin niya. Kaya na-challenge talaga ako sa role na ito,” pagbabahagi pa niya.
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Rabiya nang magkaroon sila ng script reading ni Ian kung saan talagang hindi ras siya makatitig nang diretso sa aktor.
“Hindi talaga ako makatingin sa mata niya. Buti na lang hindi siya actual take or actual taping.
“So, mabuti na lang talaga and si Sir Ian, napakasarap niya katrabaho, kasi siya mismo ‘yung nagsasabi na, ‘Huwag kang kabahan. Ako lang ‘to, isipin mo boyfriend mo ako’.
“Para at least malabas ko ‘yung natural acting na mero’n ako at just enjoy kung ano man ‘yung scene namin together,” sey pa ng Miss Universe Philippines titleholder.
Marami rin daw siyang natutunan kay Ian habang ginagawa nila ang “One Good Day”, isa na nga riyan ang pagiging professional at pagrespeto sa buong production.
“Siguro ‘yung work ethics din po talaga. Kasi si Sir Ian, he’s been in the industry for a very long-time. Palagi niya sinasabi sa akin, bawal ma-late.
“Dapat lahat ng staff, mula sa direktor hanggang sa mga katrabaho mo, hanggang sa production staff, dapat lahat as much as possible kasundo mo.
“Kasi, makikita ‘yun sa screen, e, ‘yung chemistry, kung may awkwardness din makikita rin siya sa screen,” chika pa ni Rabiya.