Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kristel Fulgar, Yohan Kim at Jay Han
ANG bongga talaga ng actress-singer at content creator na si Kristel Fulgar, ‘no!
E, kasi nga pumirma lang naman siya ng kontrata sa entertainment agency na Five Stones Entertainment sa South Korea!
Sa kanyang latest vlog sa YouTube, ibinahagi ni Kristel ang naganap na meeting nila ni Jay Han, ang CEO ng nasabing talent agency.
“So I signed with Five Stones Entertainment because for me to have a working visa here in Korea. Kasi kapag kumuha ako ng student visa, they would require me two semesters,” simulang kuwento ng dalaga.
“Six months ‘yun na mag-aaral ako and ayoko na mag-aral ako ng six months. And then Big Boss (Yohan Kim) is friends with CEO Han and then he asked for favor,” pagpapatuloy ni Kristel na talagang nag-aral pa ng Korean language.
Matapos mag-sign ng contract sa Five Stones, agad ding nakuha ng Kapamilya actress ang kanyang working visa sa South Korea.
“Since they (Yohan at Mr. Han) are friends and they do business together, they said they would provide me an E6 Visa, which is a working visa here in Korea,” sabi pa ng vlogger.
Ine-encourage rin siya nina Yohan na subukang mag-showbiz sa Korea, “He said, ‘Why not try out show business here?’ But I’m not prepared for that guys, so huwag muna kayo mag-e-expect.”
Ayon sa dalaga, hindi pa siya masyadong confident sa pagsasalita ng South Korean language, “Huwag muna mag-e-expect na mag-aartista ako rito, ganyan.
“Kasi nga hindi pa ako ganu’n ka-confident mag-Korean. Later na, let’s see. Kung ano ‘yung matutunan ko sa school baka magkakaroon ako ng confidence,” aniya.
Lahad pa ni Kristel, “Alam mo ‘yung showbiz sa Philippines is so tough now, how much more here? I am not expecting anything here. I just want to enjoy! When I’m starting to think about it, parang I feel pressured.
“Let’s see kung anong mangyayari sa life ko dito sa Korea. Again huwag kayo mag-e-expect, after ko mag-study ng Korean language, malay mo naman,” dugtong ng aktres at singer na dumating sa Korea noong September.
Sa isa niyang vlog, nabanggit ni Kristel na noong July pa dapat siya magtutungo sa South Korea pero hindi natuloy matapos siyang tamaan ng COVID-19
“Today is July 30, ang araw na pinakahihintay-hintay ko na dapat sa araw na ‘to at sa mga oras na ito ay dapat nasa Korea na ako at nanonood ng fan meeting ni Seo In-guk. Pero sa kasamaang palad, minalas ako dahil tinamaan ako ng COVID-19.
“Sobrang ayos na nung plano, flight ko na dapat ng 28, 29 mag-enroll na ako dun sa school na gusto ko. Kasi kailangan physical copies ng requirements na kailangan for enrollment.
“Tapos 30 ayun papunta na ako sa fan meet ni Seo In-guk kaso ayun nga 26 pa lang nagkasakit na ako,” kuwento pa no Kristel Fulgar.