Mga magsasaka pwede pa ring kumuha ng ‘fertilizer discount vouchers’ hanggang Nov. 30

Mga magsasaka pwede pa ring kumuha ng ‘fertilizer discount vouchers’ hanggang Nov. 30

PHOTO: MARK ALVIC ESPLANA

GOOD news para sa mga magsasaka!

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na pinalawig nila ang deadline ng pagkuha ng “fertilizer discount vouchers.”

Imbes daw na October 31 pa ay ginawa na nila ito hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

Ayon sa ahensya, maraming magsasaka pa kasi ang hindi nakakapag-claim ng kanilang voucher na dulot na rin ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Ang layunin ng fertilizer vouchers ay para matulungan ang mga magsasaka sa patuloy na inflation o pagtaas ng mga bilihin.

Gayundin upang makabili sila ng sapat na pataba upang matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa.

Ang voucher project ay sa ilalim ng National Rice Program na kung saan ay saklaw nito ang mga rehiyon na nagtatanim ng inbred at hybrid rice seeds.

Ang mga kwalipikadong makakuha ng nasabing voucher ay ‘yung mga rehistrado sa “Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at sa mga nakapag-avail ng rice seeds.

Nakasaad sa memorandum, “The DA shall provide fertilizer vouchers to eligible beneficiaries which will be used in acquiring urea fertilizers.

“The use of fertilizer vouchers offers an alternative to farmers with lower purchasing power to buy a sufficient volume of urea recommended for their rice area.”

Ayon sa DA, ang mga voucher ay may halagang P1,131 kada ektarya para sa mga sakahang tinataniman ng inbred seeds.

Habang P2,262 naman kada ektarya para sa hybrid seeds.

Related chika:

Singil sa tubig tataas pagpasok ng taong 2023

Gretchen namigay ng libu-libong sako ng bigas sa hospital para sa mga janitor at frontliners

Paolo Bediones irereklamo ng 100 empleyadong hindi pa binabayaran; TV host nagpaliwanag

Read more...