Disney naglabas ng tagalog version ng ‘Encanto’ songs, mga Pinoy natuwa: ‘On point ang lyrics!’

Disney naglabas ng tagalog version ng ‘Encanto’ songs, mga Pinoy natuwa: ‘On point ang lyrics!’

PHOTO: Instagram/@encantomovie

ISA ka ba sa mga tinamaan ng “last song syndrome” o na-LSS sa mga kanta ng hit animated movie na “Encanto?”

Nako, mukhang mas makaka-relate ang mga Pinoy diyan.

Dahil naglabas na ng Tagalog version ang Disney ng ilan sa mga soundtracks ng pelikula.

Ilan na sa mga kanta na isinalin sa wikang Filipino ay ang “The Family Madrigal” (“Ang Pamilya Madrigal”), “What Else Can I Do?” (“Ano Pa’ng Kaya Ko?”), “Surface Pressure” (“Pag Nagigipit”), “We Don’t Talk About Bruno” (“Wag Ikuwento si Bruno”), “Waiting on a Miracle” (“Nas’an Ang Milagro Ko”), at “All of You” (“Kayo).

Kung matatandaan, noong nakaraang taon lamang nang inilabas ang animated film.

Ang kwento nito ay umiikot sa istorya ni Mirabel Madrigal at kung papaano niya iniligtas ang kanyang pamilya sa nagbabadyang pagkawalang bisa ng kanilang mahika.

Maraming Pinoy netizens naman ang namangha sa magandang pagkakasalin sa wikang Filipino at narito ang ilan sa mga komento nila.

“OY ANG GANDA!!! Kudos sa mga nagsalin at kumanta.”

“That’s awesome! (clapping emoji) Congrats Disney may tagalog version na din ng kanta nila (red heart emoji)”

“Ganda ng pagkaka kanta sa tagalog (red heart emoji)”

Bukod sa Tagalog, unang naglabas ang Disney ng iba pang translation ng mga kanta gaya ng Vietnamese, Bahasa Malaysia, at Bahasa Indonesia.

Related chika:

Kim Chiu biglang naiyak habang nasa Disney World: Wala naman akong mabigat na pinagdaraanan pero…

Kim Chiu nag-absent muna sa ‘Showtime’ para maglamiyerda sa Disney World: Had so much fun, super! Pero struggle is real!

Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess

Read more...