Pagkakaantala sa pag-isyu ng National ID sinisi sa mga kaso ng ‘close matches’

Pagkakaantala sa pag-isyu ng National ID sinisi sa mga kaso ng ‘close matches’

SINISI ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga kaso ng “close matches” kaya marami ang naaantala sa pamimigay ng National ID.

‘Yan ang sinabi mismo ng ahensya bilang tugon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel na nagtanong habang isinasagawa ang PSA budget hearing kamakailan lang.

Ayon sa senador, nakakatanggap siya ng “mixed reviews” sa pag-iisyu ng National ID cards.

Ayon pa kay Pimentel, Maraming kababayan ang nafa-frustrate dahil sa mabagal na aksyon ng PSA.

Ang iba raw kasi ay ilang taon pa bago makuha ang kanilang nirehistrong ID cards.

Paliwanag naman ng PSA, may mga pagkakataon na kailangan nilang gumamit ng mano-manong pag-verify dahil ang iba ay may malapit na pagkakatugma ng impormasyon.

Bukod diyan ay ipinaalala rin ni Pimentel na dapat walang foreign nationals ang makakapagrehistro sa National ID.

Sabi niya, “With that statement, that means ayaw nating makarinig in the future ng mga balita na ‘a Philippine national ID has been issued to a non-citizen.’ I hope never tayong makakakuha ng ganyang balita o feedback.”

Sa kasalukuyan, nakapag-isyu na ang PSA ng 27 million cards.

Ang target ng ahensya ay makapagbigay ng 50 million cards bago matapos ang taong 2022.

Related chika:

Mga besh, knows n’yo na ba ang tungkol sa ‘Sim Card Registration Act’?

Mas maraming Pinoy aprub sa ‘Sim Card Registration Act’ – SWS

Prepaid SIM card registration panlaban sa krimen – Sen. Bato

Read more...