Christian Bables nilinaw ang sexual identity: I identify as a straight guy

Christian Bables nilinaw ang sexual identity: I identify as a straight guy

PHOTO: Instagram/@christiaaan06

MAY rebelasyon ang award-winning actor na si Christian Bables tungkol sa totoo niyang sexual identity.

Marami kasi ang naguguluhan kung gay nga ba ang aktor o straight?

Nakilala si Christian pagdating sa kanyang mga gay role sa iba’t-ibang blockbuster movies, tulad ng “The Panti Sisters,” “Die Beautiful,” at “Big Night!”

Ika nga ng talent manager at YouTuber na si Ogie Diaz, ang aktor ang isa sa mga “napaka-effective pagdating sa mga gay characters.”

Nangyari ang rebelasyon ng award-winning actor sa latest showbiz episode ni Ogie sa YouTube.

Lubos munang nagpasalamat si Christian dahil maraming tao ang natutuwa sa kanyang pag-arte.

Sey ng aktor, “If you think I am good in what I do, thank you. I appreciate that po. Maraming salamat. Malaking bagay po para sa amin ang ma-appreciate ‘yung aming hard work pagdating sa aming craft. So maraming, maraming salamat.”

At kasunod niyan ay diretsahang umamin ang aktor na siya ay “straight” na lalake.

Chika ni Christian, “and with the question, ano nga ba si Christian Bables? Well, I identify as a straight guy, a straight man.

Patuloy pa niya, “My preference and my attraction is with the opposite sex.

“But kung isang araw, tinwitch ni God ang puso ko, sabihing ‘Christian, bibigyan kita ng special ability and another blessing na to be able to appreciate romantically be attractive for the love of the same sex, a person of the same sex’ wala akong magiging objection doon, i-aaccept ko ‘yun wide arms open kasi to be able to appreciate love, be romantically attractive to the same sex is a blessing and an ability na wala ‘yung people who identifies as straight guys, straight woman.”

O ayan na mga ka-bandera, lalakeng-lalake naman pala si Christian!

Isa lang itong patunay na talagang magaling umarte sa harap ng camera ang aktor.

Samantala, hindi rin pinalampas ng aktor ang pagkakataon na i-promote ang bago niyang pelikula na “Mahal Kita, Beksman” under Viva Films and IdeaFirst Company.

Tampok rin sa pelikula ang aktor na si Keempee de Leon na kinokonsiderang idolo ni Christian.

Sey ng award-winning actor, “I feel so blessed and I feel overwhelmed to be working with kuya Keempee De Leon dahil idol ‘yan, isa siya sa mga actors na gusto kong makatrabaho talaga, and now, nabigyan ako ng chance na makatrabaho si kuya Keempee, ang dami kong natutunan.”

Dagdag pa niya, “Hindi lang sa craft, kundi pagdating na rin sa totoong buhay. Ang daming lessons ni kuya Keempee just by telling his story, ang sarap sa pakiramdam bonus nalang ‘yung fact na naging kuya ko talaga siya in real life.”

Read more:

Christian Bables, Keempee de Leon pinatawa, pinaiyak ang madlang pipol sa ‘Mahal Kita, Beksman’; pang-award ang akting

Christian Bables laging pinagdududahan ang gender, game sa kahit anong role: Kahit ipis o tutubi, go lang nang go!

Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!

Read more...