Kaladkaren: Sabi nila ’15 minutes of fame mo lang ‘yan, hanggang diyan ka na lang, hindi ka sisikat’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kaladkaren
TANDANG-TANDA pa ng TV host at celebrity impersonator na si KaladKaren ang mga kanegahang ibinabato sa kanya ng bashers noong nagsisimula pa lang siya sa entertainment industry.
Binalikan ng content creator ang una niyang viral video limang taon na ngayon ang nakararaan. Ito ang naging daan para makilala siya ng madlang pipol at mabigyan ng napakaraming oportunidad.
Gumawa si Kaladkaren ng reaction video sa nasabing viral YouTube content kung saan ginaya nga niya ang pagre-report ng Kapamilya broadcast journalist.
“Ako po si KaladKaren Davila at ito ang the correspondents. That was me five years ago. Diyan po ipinanganak si KaladKaren. Ang bilis na panahon ano?” ang chika ni Kaladkaren sa reaction video na ipinost niya sa TikTok.
Sabi ng TV host, nag-viral ang nasabing video noong 2017 na siyang nagbukas ng napakaraming opportunities sa kanya. Pero aniya, marami rin daw ang hindi naniwala sa kanya at kung anek-anek pa ang mga pinagsasabi.
“Although that opened a lot of opportunities and doors for me, abay siyempre marami rin pong hindi naniwala sa akin.
“Sabi nila ’15 minutes of fame mo lang ‘yan. Hanggang diyan ka na lang, hindi ka sisikat.’
“Eh, hindi naman talaga ako sikat and hindi ako superstar pero to be honest with you, I am very proud of what I have achieved from that day until today,” pahayag ni Kaladkaren.
Kaya naman nagbigay din siya ng paalala at payo sa lahat ng mga taong nagda-doubt sa kanilang talento at kakayahan.
“I’m sure marami rin po sa inyo na nakakaramdam na underestimated. Sometimes, you doubt yourselves kung kaya niyo ba talaga ang ginagawa ninyo sa career niyo.
“Alam niyo deadma na sa sasabihin ng iba. Just focus on your goal and do whatever it is that makes you happy.
“And naniniwala po talaga ako kahit anong mangyari, there’s always a place for the one that’s good,” sabi pa niya.
Dagdag pang mensahe ni KaladKaren, “So laban lang nang laban mga dear. One day magbubunga rin lahat ng pinaghirapan niyo.”
Sa isang vlog naman ni Karen Davila, sinabi ni KaladKaren na natupad na niya ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Nagpa-house tour pa siya para sa madlang pipol.
“I’m very happy where I am at the moment. I’m also very thankful sa inyo rin po. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko makukuha ‘yung mga pangarap ko sa buhay.
“Kasi pwede mo naman akong i-shutdown when I was starting but you supported me,” sabi ni Kaladkaren kay Karen.
“Kung hindi naman dahil sa support mo at sa mga taong tumulong sa’kin along the way hindi ko makukuha itong kung anong meron ako ngayon.
“Ang saya, tsaka ikaw pa ‘yung una kong bisita, nauna ka pa sa nanay ko,” aniya pa.
“Kung meron man akong isang natutunan, give and you will receive. Let’s be helpful and let’s always be grateful to all the things that we receive in life kasi one day hindi mo alam ikaw din ‘yung mangangailangan,” aniya pa.