Kris Bernal umayaw sa love scene nila ni Boom Labrusca, bakit kaya?
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Boom Labrusca at Kris Bernal
MAY limitations na pala ngayon si Kris Bernal sa pag-aartista at tila hindi na-inform ang TV production about this.
We were informed na may love scene pala si Kris with Boom Labrusca sa isang episode ng isang show sa GMA 7.
Nang gagawin na ang naturang eksena, bigla raw na-surprise ang production to learn na inayawan ni Kris na gawin ang naturang eksena.
Hindi na raw siya gumagawa ng love scene be it in the small screen.
Siyempre, nataranta ang production staff. Hindi nila akalain na may limitation na pala si Kris.
Walang nag-inform sa kanila noon.
Pero magalang naman daw na tinurndown ni Kris ang naturang eksena. Basta ang sabi niya, hindi siya komportable sa mga ganoong eksena.
Hindi alam ng production staff kung sariling desisyon iyon ni Kris o kung ang desisyon na ‘wag nang mag-engage sa love scene ay decision ng kanyang dyowa na si Perry Choi.
Whatever it is, hindi handa ang production staff sa pag-ayaw ni Kris na gawin ang love scene. May justification naman kasi lovers sila sa episode.
Anyway, since may limitation na si Kris sa kanyang pagganap, hindi kaya malimitahan na rin ang mga offers sa kanya?