Samantha Bernardo sa pagsabak sa mundo ng showbiz: Hindi ko rin sure kung ito talaga ‘yung gusto ko pang gawin

Samantha Bernardo sa pagsabak sa mundo ng showbiz: Hindi ko rin sure kung ito talaga 'yung gusto ko pang gawin

Samantha Bernardo

NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ni Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo ang kanyang future.

Naniniwala ang model-beauty queen na hindi panghabangbuhay ang showbiz kaya naman gusto na niyang karirin ang pagkakaroon ng successful business.

Sa latest vlog niya sa YouTube, sinagot ni Samantha ang 30 questions about her personal life bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang 30th birthday.

Isa nga sa mga itinanong sa kanya ang kung ano ang kanyang “ultimate career goal,” sagot ng dalaga, “To be a successful businesswoman. As we age, alam ko naman na this industry will not be in my favor.”

In fairness, maganda at bumobongga naman ang career niya ngayon sa entertainment industry matapos tanghaling first runner-up sa Miss Grand International 2020.

Mas lalo pang dumami ang projects ni Samantha nang maging celebrity housemate siya sa “Pinoy Big Brother” season 10.

Pero sabi nga niya, hindi pa rin siya sure kung ito ba talaga ang gusto niyang gawin sa buong buhay niya kaya nais din niyang bigyan ng chance ang pagiging negosyante o entrepreneur.

“Hindi ko rin sure kung ito talaga ‘yung gusto ko pang gawin, but at the moment I’m really maximizing everything. So mas nagugustuhan ko talaga ngayong mag-business,” sabi ng dalaga.

Bukod sa pagiging host at ramp/commercial model may sarili na ring sleepwear brand si Samantha. Isa rin siyang licensed financial advisor at minsan na ring inalok ng managerial position.

“Pero sad to say, I had to give it up kasi nga after kong mag-‘PBB’, iba na ‘yung mundong pinasok ko,” sabi pa ni Sam na kung ilarawan ang buhay ngayon ay “exciting, meaningful, purposeful, and remarkable.”

Samantala, sa tanong kung ano ang gusto niyang maalala ng mga tao sa kanya, ang sabi ni Sam, “a queen who really helps.” Dito na niya nabanggit ang kanyang advocacy na maging isang malaria-free country ang Pilipinas.

“More than helping other people, I really want to make a mark in achieving a malaria-free Philippines,” ani Sam.

Samantha Bernardo sa mga haters: I’m not fake, I’m human…I have feelings

Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

Samantha Bernardo hinang-hina matapos tamaan ng COVID-19: I promise that I will take care of myself…

Read more...