Kalurks: James Reid biglang huminto sa pag-aaral nang malamang binebenta ng schoolmates ang litrato niya
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
James Reid
NAKAKALOKA ang rebelasyon ng actor-singer at record producer na si James Reid tungkol sa pag-alis niya noon bilang estudyante sa Makati Science High School.
Knows n’yo ba na isang buwan lang tumagal sa nasabing eskwelahan ang binata dahil hindi niya nagustuhan ang ginagawa ng kanyang mga kaklase at schoolmates ?
Kuwento ni James sa interview ng “Fun With Dumb,” palagi raw siyang kinukunan ng pictures ng ilang kapwa estudyante at pagkatapos ay ipagbibili ang mga ito.
Aniya, naloka siya nang bonggang-bongga ng malaman niya ang pinaggagawa ng ilang nag-aaral sa Makati Science High School.
Bukod dito, alam din daw niya na palagi siyang pinag-uusapan ng mga kapwa estudyante dahil sa kanyang itsura. Alam naman nating lahat na tisoy na tisoy si James at ibang-iba rin ang istilo ng pagsasalita.
“It’s not even bullying, I just felt so awkward. Some kids would take photos of me and sell them to the other kids. Every time I come to school, people would like, scream,” chika ng aktor.
Marami talaga ang nagulat na nag-aral sa Makati Science High School si James. May mga netizens pa nga ang naglabas ng mga prom photos niya bago pa sumali noon sa “Pinoy Big Brother.”
Siya ang itinanghal na Big Winner sa nasabing reality show ng ABS-CBN. Kuwento ng binata, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang eksena kung saan na-trap siya sa isang mall nang dumugin ng mga tao matapos manalo sa “PBB.”
“When I came out of the show, I thought that I could still do normal person [activities], so I did go to the mall and it was a huge mistake.
“I got trapped inside a store because of so many people outside, and security guards needed to create a ring and just put me in the middle of that ring to get to the exit,” aniya pa.