HINDI lang pala ang Hollywood actor na si Chris Evans ang tinaguriang “Sexiest Man Alive” ng American weekly magazine na “People.”
Dahil bukod pa sa kanya ay kasama rin sa listahan ang ilang celebrities, gaya ng American rapper na si Kendrick Lamar, pati na rin American actors na sina George Clooney, Robert Pattinson at Dwayne ‘The Rock’ Johnson.
At alam niyo ba, nakasama rin diyan ang Filipino pride na komedyanteng si Jo Koy!
Nag-post pa siya mismo sa kanyang Instagram account at kahit siya ay hindi makapaniwala na kasali siya sa “Sexiest Man Alive.”
O diba, bongga naman ni Jo Koy!
Caption pa niya, “Well this just happened. I was named one of @people Magazine’s Sexiest Men Alive in 2022 – Who would’ve known lol”
Maraming netizens naman ang tuwang-tuwa sa masayang balita at heto ang ilan sa mga komento na aming nabasa.
“DUH! i mean, look at those beautiful eyes (heart eyes emoji) SEXY AF”
“I was wondering y I look at u the way I do. This explains everything (fire emoji)”
“In case you didn’t know, humor can be one of the sexiest things about a man!! Well deserved!!”
Si Jo Koy ang isa sa mga sikat na standup comedian sa Amerika.
Recently lang ay nagkaroon ng “Funny is Funny” world tour at kabilang sa mga pinag tanghalan niya ay ang Manila.
Bumida rin siya sa pelikulang “Easter Sunday” na inilabas noong Agosto.
Related chika:
Gab Valenciano nagpasalamat sa lahat ng nagligtas sa kanyang buhay: I am alive because of you…
Oct. 7 idineklarang Jo Koy Day sa LA: I will continue to wave my flag high…Mahal kita!
Jo Koy, Chelsea Handler naghiwalay na; ini-record na 1st anniversary video inilabas pa rin