Sandara Park pak na pak sa viral birthday bikini photo: ‘Forever young, Dara!’

Sandara Park pak na pak sa viral birthday bikini photo: ‘Forever young, Dara!’

PHOTO: Instagram/@daraxxi

HINDI nagpatalbog sa kaseksihan ang K-Pop star at dating tinaguriang “Pambansang Krung Krung” na si Sandara Park.

Ibinandera ni Sandara sa Instagram ang isang sexy photo na suot ang printed bikini kasabay ng kanyang ika-38th birthday.

Sa caption ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan.

Saad niya sa post, “Everyone who congratulated me on my birthday~ So sweet (honey emoji) You’re so sweet (cake emoji)”

Napa-wow naman ang maraming Pinoy netizens sa alindog ni Sandara at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“‘Di ko kinaya..pag-zoom in ko para akong hihimatayin (fire emoji) ang hot ate.”

“She’s celebrating her birthday but she’s not getting older. How ironic. Forever young Dara indeed. “

“Happiest Birthday queen (crown emoji), you’re stunningly beautiful as always (fire emoji) (red heart emoji)”

Matatandaang kamakailan lang ay nagkasama sina Sandara at ang Pambansang Kamao na si senador Manny Pacquiao sa isang South Korean variety show na “Knowing Brothers” para mag-guesting.

Ang Pambansang Krung Krung ang nagsilbing translator ni Manny sa naturang show.

Ibinandera pa nga ni Manny ang ilang behind-the-scenes photos nilang dalawa habang nagre-recording noong nakaraang buwan.

Ang episode na tampok ang dalawa ay ipinalabas na noong October 23.

Taong 2004 nang nag-umpisang sumikat ang K-Pop idol sa Pilipinas matapos sumali sa talent search show na “Star Circle Quest.”

Naging katambal pa niya sa maraming proyekto ang ka-batch na si Hero Angeles.

Taong 2007 naman nang bumalik siya sa bansang South Korea at noong 2009 siya nag-debut bilang miyembro ng K-Pop girl group na “2NE1.”

Read more:

Sandara Park nalungkot nang malamang nasa listahan siya ng ‘7 wealthiest female K-Pop stars in the world’; P1.2B ang net worth?

Manny Pacquiao siga sa isang Korean variety show: ‘Who’s the boss here?!’

‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea

Read more...