NAGING mas espesyal at mas makabuluhan ang birthday celebration ngayong taon ng Kapamilya actress na si Dimples Romana.
Mas pinili ni Dimples na magdiwang ng kanyang 38th birthday kahapon, November 13, sa isang child center upang mag-give back sa mga natanggap niyang blessings nitong mga nagdaang taon.
Sa halip na siya ang regaluhan, si Dimples ang nagbahagi ng kanyang blessings sa “He Cares Mission,” isang Christian-driven foundation na itinatag ni Joe Dean Sola.
Dito, nakasama at naka-bonding ng aktres ang mga streetchildren na tinutulungan at kinakalinga ng He Cares Mission Street Children Caring Center, Inc..
Ayon sa Kapamilya star, nagsilbi ring pag-asa at inspirasyon sa pakikipaglaban niya sa buhay ang mga batang sinorpresa niya sa nakalipas na 37 taon.
Kalakip ang ilang mga litrato na kuha sa charity mission ni Dimples ang kanyang mensahe para sa birthday niya ngayong 2022.
“When you reach a certain age, you may start feeling like you already know everything you need to know in life, and it takes a bit of a nudge or two to remind you just how every single day of our lives offers new lessons, a new perspective.
“The past weeks I have been mastering the art of pause, taking moments to myself, enjoying just being, getting used to saying no, prioritizing and actively making time for enjoying the fruits of my labor,” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa kanyang Instragram post kahapon.
“An abundance in LOVE, PATIENCE, OPPORTUNITIES, DOORS opening, BIG DREAMS finally coming to life, quality FRIENDSHIPS and WARM, ENDURING kind of love!!!” aniya pa.
“My 37th year natuto ako to go with the flow, love even deeper and embrace the rollercoaster ride,” sabi pa ng aktres.
Inalala rin ni Dimples ang panahong dumanas din siya ng hirap at sakripisyo noong kabataan niya.
“As they were doing worship before the meals yesterday I can’t help but look back at how the child in me still longs for the same things, only bigger, only deeper. But same hopes and dreams and prayers,” lahad pa ni Dimples.
Dugtong pa ng isa sa mga bibida sa bagong Kapamikya series na “Iron Heart”, “None of these belong to me, though I feel unworthy, still, You lord, call me by my name, and make me blessed and worthy.”
Read more:
Bakit nga ba tinanggap ni Dimples Romana ang role sa ‘Iron Heart’?
Dimples Romana: Mas mabuti na raw ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na walang pangarap