Bashers binasag ang pagiging maka-Diyos ni Zeinab Harake; ‘SawsaweRRa Queen’ RR Enriquez

TODO tanggol ang aktres at tinaguriang “Queen SawsaweRRa” na si RR Enriquez sa kontrobersyal na content creator na si Zeinab Harake.

Pinuputakti na naman ng mga bashers si Zeinab matapos mag-post sa social media ng isang “maka-Diyos” na mensahe at tila nagpapakarelihiyosa raw ngayon.

Hindi kumbinsido ang ilang haters sa biglang pagiging religious ni Zeinab dahil feeling nila ginagawa lang ito ng YouTuber para ma-divert ang atensiyon ng publiko sa kinasangkutan niyang iskandalo kamakailan.

Hindi napigilang makisawsaw ni RR Enriquez sa bagong isyung ibinabato kay Zeinab at sinabing wala siyang nakikitang masama sa tweet ng sikat na vlogger tungkol sa pananampalataya niya sa Panginoon.

“Nakakaloka, parang lahat ng sabihin at gawin ni Zeinab Harake, napapansin. Siyempre, sikat kasi siya. Hot topic talaga siya,” simulang pagtatanggol ni RR kay Zeinab.

Binasa pa ni RR ang post ni Zeinab noong November 5 na ninega at inokray ng mga bashers, “Sarap kumapit kay God promise hindi ka Niya pababayaan.”

Sey ni RR, hindi naman tamang husgahan nang bonggang-bongga si Zeinab nang dahil lang sa mga nagawa nitong pagkakamali in the past.

Karapatan daw ni Zeinab na mag-post kung ano ang nararamdaman niya patungkol sa kanyang faith kay Lord.

“In my own honest opinion, there’s nothing wrong sa post ni Zeinab. Alam n’yo kung ano ‘yung may mali? ‘Yung mga taong mali mag-isip. Lahat na lang ng ipo-post mo especially about God, tingin na agad ng ibang tao parang bawal ka talagang magkamali.

“Once na mag-post ka about God, yung mga taong ‘yan, Diyos ko! Hihintayin ka talaga nilang magkamali ka.

“Konting mali mo lang pupunahin na agad nila, Hay naku o di ba pa-post-post ka pa ng mga bible verse, tapos ikaw rin pala,” ani RR.

Ito naman ang maipapayo niya sa controversial YouTuber, “To Zeinab, I’m so happy na wala nang ibang kinakapitan ngayon kundi si God. Kasi ‘yun lang naman ang tanging kakapitan mo.

“Puwede kang iwanan lahat ng mga kaibigan mo, puwede kang traydurin ng mga kaibigan mo, pero si God never kang tatalikuran kaya sa Kaniya ka lang talaga dapat kumapit,” sey pa ni RR sa kanyang vlog.

Read more:

Robi Domingo walang sama ng loob kay Zeinab Harake: Ba’t naman ako magagalit kung totoo naman na mahina…

Chad Kinis super proud kay Zeinab: Ang mahalaga marunong mag-sorry at handang magbago para sa ikakabuti…love you, Nak!

RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Wilbert at Zeinab: Mas lalong minahal ng tao si…

Read more...