Ritz Azul aminadong tumaba pagkatapos magpakasal: ‘Sabi nila hiyang daw po sa pag-aasawa’

Ritz Azul aminadong tumaba pagkatapos magpakasal: 'Sabi nila hiyang daw po sa pag-aasawa'

Ritz Azul at Allan Guy

AMINADO ang Kapamilya actress na si Ritz Azul na medyo nadagdagan siya ng timbang mula noong mag-asawa siya at pansamantalang mamahinga sa showbiz.

Makalipas ang ilang taon, muling nagbabalik sa pag-arte si Ritz with the Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Mamasapano: Now It Can Be Told” mula sa Borracho Film Productions ni Atty. Ferdinand Topacio.

Nakaharap ng ilang members ng entertainment press si Ritz sa mediacon ng “Mamasapano” kamakailan at dito nga siya nagkuwento abour her married life.

Aniya, totoong nag-gain nga siya ng timbang pagkatapos ng kasal nila last November, 2021 ng kanyang non-showbiz groom sa Baguio City, ang businessman na si Allan Guy.


Bukod dito, nagkaroon din sila ng second wedding na ginanap sa napakagang beach ng Palawan noong December, 2021.

“Yes, medyo lumaki ako. Sabi nila, hiyang daw sa pag-aasawa. I wasn’t doing anything for a while so I am glad when Atty. Ferdie Topacio got me to be part of ‘Mamasapano’.

“And now, slowly, I’m going back to acting with new offers and I’m also back to dieting and exercising to get rid of the weight I gained while I wasn’t busy,” pahayag ni Ritz.

Sa pelikulang “Mamasapano”, gaganap si Ritz at si Myrtle Sarrosa bilang mga TV news reporters na mula sa magkalabang network — sina Mary Ann del Rosario at Gladys Rivas.

Sila ang na-assign para mag-cover sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Forces na pinatay ng nga terorista noong January 15, 2016.

Ayon kay Atty. Topacio, symbolic sa pelikula ang karakter nina Ritz at Myrtle, “Nag-aagawan kasi ang top networks sa pagbabalita on what’s going on instead of trying to help in showing the truth.”

“Mas importante pa rin sa kanila ang ratings kaysa yung may mga namamatay na ngang policemen sa Mamasapano. Sila lang ang fictitious characters dito. All the rest are real people,” sabi pa ng producer ng pelikula.

“We actually play composite characters. We represent various other news personnel who made reports about what’s happening at Mamasapano.

“I feel happy to be part of the movie which tries to show the truth about what really happened at Mamasapano and the ill-fated SAF 44,” sabi pa ni Ritz.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magkakaroon ng entry si Ritz sa MMFF,  “Yes, it’s my second time. Two years ago, I did a horror movie with Regal, ‘The Missing’, which qualified as an entry in the filmfest. I was with Joseph Marco and it was filmed on location in Japan.”

Showing na ang “Mamasapano” sa Dec. 25 kung saan bibida sina Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Rico Barrera, Edu Manzano at marami pang iba.

Ritz Azul ikinasal na sa non-showbiz BF, mala-dyosa sa suot na wedding gown

Ritz Azul natupad ang dream wedding sa Palawan

Neri Miranda tuloy ang fitness journey: Nag-try akong mag-exercise, stretching tapos may planking…ayun, dinugo ako

Read more...