Inigo Pascual hindi binati ng ‘happy birthday’ ang ina: My best moments with her are off cam

Inigo Pascual hindi binati ng 'happy birthday' ang ina: My best moments with her are off cam

PHOTO: Instagram/@inigopascual

NAGING usap-usapan ng mga Marites ang hindi pagbati umano ng aktor na si Inigo Pascual sa kaarawan ng kanyang inang si Donnabelle Lazaro.

Hindi raw kasi nag-post sa social media ang aktor.

Hindi tuloy napigilang sumagot ng aktor sa mga nangingialam ng kanyang buhay at sinabing hindi naman daw kailangang ibahagi ang lahat sa social media.

Halos lahat daw ng kanilang “best moments” ay hindi nakikita sa harap ng camera.

Saad niya sa Instagram stories noong November 11, “People asking why I didn’t post for my mom’s birthday. Why is that your business anyways?

“Some of my best moments with my mom are off cam, and don’t always have to be shared on social media… Social media doesn’t always need to know everything…”

Hirit pa ni Inigo, kilala naman siya ng kanyang ina.

Ang mahalaga, aniya, sa kanya ay alam ng kanyang ina na mahal niya ito.

Sey ni Inigo, “My mom is the only person that knows me best On and especially Off cam. I love her and she knows that. That’s all that matters to me (red heart emoji)”

Kamakailan lang ay bumida si Inigo sa Hollywood series na “Monarch.”

Ginagampanan niya riyan ang role ng isang 18-year-old Filipino na si Ace Greyson na nangangarap na maging country star.

Kasama niya rin sa serye ang ilang international stars tulad nina Trace Adkins, Anna Friel at Academy Award-winning actress na si Susan Sarandon.

Ipinalabas ang serye noon pang setyembre sa Fox Entertainment.

Read more:

Inigo Pascual ibinandera ang pagiging Pinoy, may revelation ukol sa karakter sa ‘Monarch’

Inigo Pascual wish makasama sa Marvel movies; nangakong hinding-hindi lolobo ang ulo 

Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Read more...