ANG tarush nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil nakapag-guest sila sa US news outlet sa NBC Palm Springs para sa promo ng pelikula nilang “An Inconvenient Love” na mapapanood na sa Nobyembre 23 sa mga sinehan.
Ang Filipino-American host na si Manny Dela Rosa o mas kilala bilang Manny The Movie Guy ang nag-interview sa kanila na ipinalabas naman sa The Filipino Channel o TFC.
Si Manny the Movie Guy ay Emmy-award winning film critic na naka-base sa Palm Springs, California. Isa rin siyang radio announcer, newspaper, at TV personality. Ang mga pelikulang nire-review niya at interviews sa mga kilalang personalidad ay napapanood sa “KMIR Today” tuwing Biyernes sa tanghali at gabi.
Anyway, napanood ng mga kakilala namin ang panayam ng DonBelle at natuwa sila dahil ang napaka-natural daw nilang sumagot at dire-diretso na walang filter at magagalang pa.
Nagpakuha ng larawan si Manny The Movie Guy sa dalawa at pinost niya ito sa kanyang Instagram account.
Ang caption ay, “Back in the desert and back at work! Had a wonderful time talking to @donny and @belle_mariano for their wonderful film #AnInconvenientLove #donbelle #donbellempire #donbelleofficial #donbelleempire.”
Ang kuwento ng “An Inconvenient Love” ay tungkol kay Ayef (Belle) na nagta-trabaho sa a convenience store na pangarap maging animator sa Singapore samantalang si Donny bilang si Manny ay nagpapatakbo naman ng sarili niyang plant shop at isang aktibista pero hindi niya ipinaalam.
Nagkagustuhan ang dalawa pero may kontrata sila na magtatapos ang relasyon nila kapag natulong ng umalis patungong Singapore si Belle.
Mapapanood ang “An Inconvenient Love” sa Nobyembre 23 sa mga sinehan mula sa direksyon ni Petersen Vargas na sinulat naman nina Enrico Santos at Daisy Cayanan handog ng Star Cinema.
Related Chika:
Kaya bang isakripisyo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang love para sa kanilang pangarap?
DonBelle inihalintulad ni John Lapus sa KathNiel
Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?
Belle Mariano kering-kering pagsabayin ang lovelife at career: Hindi ka kailangang mamili