Black Eyed Peas naglabas ng bagong album: This is the next stage for us

Black Eyed Peas naglabas ng bagong album: This is the next stage for us

PHOTO: Instagram/@blackeyedpeas

MAY inilabas na bagong music ang six-time Grammy award-winning group na “Black Eyed Peas.”

Ito ang kanilang ika-9 na album na may titulong “Elevation.”

15 tracks ang laman nito na tampok ang iba’t-ibang klase ng music genre, gaya ng hip-hop, Latin, R&B, electric, at marami pang iba.

May mga collaboration din ang ilang kanta ng bagong album at ilan na riyan ang “Simply the Best” featuring Anitta & El Alfa, “No One Loves Me” kasama si Nicole Scherzinger, at “Don’t You Worry” with Shakira at David Guetta.

May kanta rin sila na handog para sa mga Pilipina at ito ang “Filipina Queen” featuring J. Rey Soul.

Ayon sa grupo, super excited sila sa bago nilang release dahil ibang level ang kanilang nagawa.

Caption pa sa kanilang Instagram post, “We are so excited for this next stage.

“It feels like yesterday when we were climbing those hills and putting out our first body of musical work into the world – now there’s 9! Are you ready to reach new heights with us?

Maraming fans naman ang tuwang-tuwa sa “Elevation” album ng Black Eyed Peas at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“Love you guys so much (crying emoji) Been cracking your tunes since I was 9 y.o. I would lock myself in my room, turn off the lights and break a sweat dancing to your sound.”

“FINALLY!!! LOVE THIS ALBUM #BEPElevation (orange heart emoji)”

“U guys are legends. Imma fan since Where is the Love (fire emoji)”

Taong 1995 nang mabuo ang Black Eyed Peas sa Los Angeles sa Amerika at kabilang sa grupo ay ang ipinagmamalaki nating Filipino-American rapper na si “apl.de.ap.”

Taong 2020 nang huling maglabas ng album na “Translation” ang grupo.

Read more:

Read more...