MAY maagang pamasko ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga commuter!
Muling magkakaroon ng libreng sakay ang Edsa carousel simula December 15 hanggang 31.
Inanunsiyo ‘yan mismo ng ahensya sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Ayon sa DOTr, ito ang kanilang tulong para sa mga kababayan na naapektuhan ng “inflation” o pagtaas ng mga bilihin.
Bukod pa riyan, gagawing 24 hours ang mga biyahe.
Ibig sabihin, ang free rides ay magsisimula ng 11 a.m. hanggang 11 p.m.
Sey sa FB post, “Aarangkada na ng 24/7 ang Libreng Sakay Program sa EDSA Busway simula ika-15 hanggang ika-31 ng Disyembre 2022.
“Ito ay inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ngayong araw, ika-11 ng Nobyembre 2022, upang makapaghatid ng tulong sa mas marami pa nating kababayang commuter na patuloy na naapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin at krudo.”
Sinabi rin ng ahensya na layunin din ng extended free rides na mapagsilbihan ang mga commuter na nagtatrabaho sa gabi, lalo na’t ipinatupad ang mas mahabang mall hours na bukas ng 11 a.m. hanggang 11 p.m.
Nagbigay ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.4 billion na budget para sa “libreng sakay” program hanggang matapos ang taong ito.
Samantala, kamakailan lang ay nag-anunsyo ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na wala nang libreng sakay ang LRT para sa mga estudyante.
Pero sinabi ng ahensya na pwede pa ring mag-avail ng 20% discount ang mga pasaherong estudyante.
Ni-report din ng LRTA na milyon-milyong estudyante ang nakinabang sa kanilang libreng sakay program.
“Sa ngayon umabot na sa 1,527,219 ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT-2 sa loob ng 58 na araw simula nang ipatupad ang programa,” sabi ng ahensya.
Dagdag pa sa caption, “Matatandaang ipinatupad ng pamahalaan ang libreng sakay noong ika-22 ng Agosto para makatulong sa mga estudyante na naapektuhan ang pag-aaral ng pandemya gayundin ng mga magulang sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.”
Read more:
LRT wala nang libreng sakay sa mga estudyante
‘Libreng Sakay at Meryenda,’ handog ng TNT sa LRT-1 passengers sa ika-12 ng Setyembre
8 arestado sa Bulacan na gumagawa umano ng ilegal na paputok