Miss Planet International kanselado na nga ba?

Miss Planet International kanselado na nga ba?
NAGULAT ang lahat ng mga nasa pageant community matapos mag-post ng mga kandidato ng Miss Planet International patungkol sa diumano’y pagkakakansela ng naturang beauty pageant.

Kasalukuyang nasa Uganda ngayon ang mga kandidata kasama na rin ang representative ng Pilipinas na si Herlene Budol para sa gaganaping patimpalak sa Nobyembre 19.

“I have to apologize, but unfortunately we were robbed. We haven’t had even 10% of activity, nothing was paid, nor our accommodation nor our food. We’re stuck in the Uganda. We have been trying to solve it, even those who were not involved into the pageant paid their own money to keep our fed and safe. I couldn’t be silent anymore,” saad ng kandidata ng Czech Republic para sa Miss Planet International na si Tamila Sparrow.

Pagpapatuloy pa niya, “I apologize for everybody who put a lot of effort in us monetary or mentally wise. But this has to be seen by public. Please share. 35 contestants (who hasn’t left yet) were scammed.”

Sa sumunod niyang Instagram story ay inilahad niya na nakipag-ugnayan na sila sa kapulisan ukol sa kinakaharap na isyu ng mga kandidata ng Miss Planet International.

Spent few hours in the police department in Kampala. To file a testimony against responsible production manager here,” lahad ni Tamila.

Dagdag pa niya, “All I want is to be safe. I don’t know yet if I can stay any longer before my flight because changes costs $500.”

May isa pa ngang pasabog si Tamila kung saan sinabi nitong may mga “involved parties [that] are being compromised or bribed” at wala pa rin silang natatanggap na impormasyon at suporta mula sa Miss Planet International organizers.

Mas lalo pa ngang umugong ang buling-bulungan nang mag-post na rin si Tonille Watkis, representative ng Jamaica para sa Miss Planet International.

“Thank you all for your support up until this moment. Unfortunately, the competition has been canceled. But, it was such an honor to have the chance to represent my beautiful Jamaica again,” sey ng dalaga.

Nagsalita namansi Wilber Tolentino, talent manager ni Herlene Budol na representative ng Pilipinas sa Miss Planet International.

Sa kanyang Facebook page ay sinabi niyang kalahati ng mga kandidata ay hindi makapasok sa Africa dahil wala silang yellow fever vaccine.

Bukod pa rito, nag-back out rin ang sponsor resort ng Miss Planet International sa Kampala dahil na rin sa Ebola outbreak sa Uganda.

“So, kanya kanyang diskarte muna sa pag kuha ng kanilang matitirahan at di naman natin masisi sari sari emosyon ang bawat candidata epekto sa indi maayos ang systema at hindi nakapag kain ng tamang oras mga candidata. May apat hanggang anim nag withdraw dahil mauubusan ang budget kung tumagal pa sila sa UGANDA,” sey ni Wilbert.

Sa kabila ng mga naglalabasang balita ay wala pa namang inilalabas na official statement ang organisasyon ng Miss Planet International 2022 hinggil sa isyu.

Related Chika:
Herlene Budol magdadala ng interpreter sa Miss Planet International; hindi na sasali uli sa Bb. Pilipinas

Herlene sa pagrampa sa Miss Planet Int’l 2022: Gagawin ko ang pinaka-best ko para hindi ko kayo ipahiya, laban Pilipinas!

Herlene Budol lalaban sa 2nd Miss Planet International pageant sa Uganda: Naiiyak at nae-excite ako, parang panaginip lang

Herlene Budol nanawagan sa airlines, national costume hindi umabot sa Uganda

Read more...