Jessy Mendiola may payo sa mga misis: Protecting your family is your duty…

Jessy Mendiola may payo sa mga misis: Protecting your family is your duty…

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

SAWA na ba kayo sa mga ka-negahan ng ibang tao?

May payo diyan ang aktres na si Jessy Mendiola na ibinandera niya mismo sa kanyang Instagram stories.

Ayon sa kanya, kaya nagkakaroon ng negative comments ang ibang tao ay dahil ito raw ang paraan upang gumaan ang kanilang pakiramdam.

Ang mahalaga raw ay kilala mo ang iyong sarili at walang tinatapakan na sinuman para lang makuha ang gusto.

“When someone says something bad about you, always remember that it is the only way his/her insignificant self can feel better than you. The most important thing is, you know who you are and that you don’t step on other people’s toes just to get where you are,” pahayag niya sa IG story.

May parangal pa si Jessy na ang pagsasabi raw ng masama tungkol sa isang tao ay nagre-reflect lang tungkol sa iyong pagkatao.

Sey niya, “Saying something bad about a person says a lot more about your true character than the person you are trying to bring down.”

May espesyal din siyang payo para sa mga misis na tulad niya.

“Wives, it is okay to cut people off from your husband’s life, especially if it is the only way to protect him and your family from danger. Protecting your family fiercely is your duty as a mother and also as a wife.There’s a reason why God showed YOU their true colors,” pahayag niya.

Samantala, sa susunod na buwan nang nakatakdang manganak si Jessy sa first baby nila ng kanyang asawa na si Luis Manzano.

Kamakailan lang ay nag-trending ang bonggang “maternity shoot” ng aktres at sinabi pa niya na hindi na siya makapaghintay na makita ang kanyang baby Peanut.

Matatandaang noong Agosto nang ibinalita ng dalawa na magkakaroon na sila ng panganay.

Noong Pebrero ng nakaraang taon sila kinasal sa Batangas matapos ang apat na taong magkarelasyon.

Read more:

Jessy Mendiola kabog sa kanyang maternity shoot: I can’t wait to meet her…

Jessy Mendiola nag-shopping nang bongga bago manganak, ninega ng netizen

Jessy Mendiola tinamaan ng COVID-19: It was the hardest 11 days of my life

Read more...