Janno Gibbs bumanat sa basher na tumawag sa kanya ng ‘laos’: I feel sorry for your sad existence

Janno Gibbs bumanat sa basher na tumawag sa kanya ng 'laos': I feel sorry for your sad existence

PHOTO: Instagram/@jannolategibbs

TILA nagtatampo ang beteranong comedian at TV host na si Janno Gibbs matapos ilabas ang bago niyang kanta na “Future Lover.”

Ibinandera niya sa Instagram stories ang isang screenshot na ipinapakita ang comment ng isang basher at ang kanyang sagot.

Mababasa doon na sinabi siyang “laos” at pilit daw na nakikiuso.

Sey ng basher, “LAOS trying to be noticed and relevant.”

Kalmado naman niya itong sinagot at sinabing, “I feel sorry for your sad existence. I pray you find purpose in life.”

Nagkaroon din ng madamdaming post ang komedyante sa IG na sinabing aware siyang hindi bet ng marami ang kanyang kanta.

Caption niya pa, “I get it. You don’t like my new song.”

Kaagad namang nag-comment ang ilang fans diyan sa post at nagpakita ng kanilang suporta.

Gaya ng isang nag-comment na nagparinig pa sa basher na nagsabing laos siya.

“Bruuh didn’t even make it to showbiz. That’s why he’s here Trolling to make himself feel better. Don’t mind the haters sir,” sey sa comment.

May isang fan naman na pinag kumpara ang pagiging fanatic at suporter.

Chika niya, “There’s a big difference between a fanatic and a supporter. Ako as your supporter, I appreciate yung mga creative explorations na ginagawa mo. Sabay-sabay tayong nag-e-evolve at nag-go-grow. ‘Yung mga fanatic, they don’t want you to grow kasi even them is stock na with their nostalgia. They feel bad when their ‘idol’ evolves. Feeling nila iwan sila. I really appreciate you exploring.”

May netizen pang nagsabi na, “You can’t please everybody… just do your fashion in singing or composing a song as long as there are some people who like your song.”

Matatandaang una nang umamin si Janno na nasasaktan siya kapag sinasabihan ng “laos.”

Gayunpaman ay tanggap naman niya raw ito, lalo na kapag wala siyang ginagawang proyekto at hindi visible sa mga showbiz happenings.

Read more:

Janno Gibbs: Aminado naman akong hindi na ako sikat, laos na…

Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa ‘yo 

Janno Gibbs sa kinasangkutang video scandal noong 2018: Hindi ako yun…talagang medyo na-down ako nu’n

Read more...