Buhay ni Whitney Houston ginawan ng pelikula; award-winning film ‘Bones and All’ ipalalabas na sa Pinas

Buhay ni Whitney Houston ginawan ng pelikula; award-winning film ‘Bones and All’ ipalalabas na sa Pinas

PHOTOS: Instagram/@whitneyhouston; Courtesy Columbia Pictures

LALONG makikila ng fans ang iconic international singer na si Whitney Houston.

Ginawan kasi ng pelikula ang kanyang buhay na pinamagatang “I Wanna Dance with Somebody.”

Ang English actress na si Naomi Ackie ang gaganap bilang Whitney sa biopic film.

Sa inilabas na bagong pasilip ay mapapanood ang ilang pagsubok ng legendary singer bago siya sumikat at nakilala sa buong mundo.

Bago maging “best-selling” at “most awarded recording artist of all time, nagsimula si Whitney sa pagkanta bilang isang choir member sa New Jersey sa Amerika.

Tampok din sa pelikula sina Stanley Tucci, Ashton Sanders, Tamara Tunie, Nafessa Williams at Clarke Peters.

Mapapanood ang “I Wanna Dance with Somebody” sa Enero sa susunod na taon.

***

Isang award-winning film ang nakatakdang ipalabas sa bansa sa gaganapin na QCinema International Film Festival simula November 16 hanggang 25.

Ito ang thriller film na pinamagatang “Bones and All” na pagtatambalan ng Canadian actress na si Taylor Russell, at American actor Timothée Chalamet.

Ang istorya ng pelikula ay base sa nobela ni Camille DeAngelis ng kaparehong titulo na umiikot sa love story ng dalawang kabataan na sabay hinarap ang ilang pagsubok sa buhay.

Sumali sa 79th Venice International Film Festival sa Italy ang “Bones and All” noong Setyembre at naiuwi ang mga parangal na Best Director, at Best Actress para sa pagganap ni Taylor.

Nominado rin ang thriller film sa 32nd Annual Gotham Awards ng Amerika bilang “Outstanding Lead Performance” para kay Taylor, at “Outstanding Supporting Performance” sa British actor na si Mark Rylance.

Read more:

Tom Hanks ‘nagsungit’ sa bagong pelikula na pagbibidahan

Shawn Mendes ‘buwaya’ sa bagong live-action movie; Darren Espanto hindi nagpakabog sa OST ng pelikula

Bela Padilla may nilulutong bagong pelikula: Mounting a new film with the best team 

Read more...