World-famous Super American Circus performers
SIGURADONG mas magiging happy at exciting ang Pasko sa napakaraming sorpresang naghihintay para sa mga Filipino mula sa iba’t ibang events organizers sa bansa.
Isa na nga riyan ang handog ngayong Christmas season ng world-famous Super American Circus na mapapanood mula December 21, 2022 hanggang January 8, 2023.
Magaganap ito sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts sa Pasay City kung saan mapapanood ang ilan sa mga nagwagi sa world-class talent search na “America’s Got Talent.”
Tatagal ng dalawang oras ang magiging performance ng pinakamalaking grupo ng live one-ring circus ngayon na pinagsasama-sama para sa pagtatanghal ng Super American Circus ngayong taon.
Ilan sa mga magpe-perform ng makapigil-hininga at buwis-buhay na stunts sa show ay ang motorcycle team na Globe of Danger, ang Sky Wheel, High Flying Motorcycle. Nariyan din ang mga aerialists, aerial ballerinas, at amazing jugglers.
Ito’y mula sa Global Entertainment Productions sa pangunguna ng Presidente at CEO nitong si Cornell “Tuffy” Nicholas na siya ring magsisilbing ringmaster.
Ang “Tuffy” ay nagmula sa isang pamilyang may malawak na kasaysayan ng sirko. Ang kanyang ama na si Count Nicholas ay ang nangungunang Ringmaster extraordinaire na naglalakbay na Ringling Brothers circus. Ipinanganak si Tuffy sa Sarasota stop ng Ringling Brothers Travelling Circus.
Bilang presidente at CEO mula noong 2000, nakagawa siya ng higit sa 5,000 mga pagtatanghal sa buong Mundo – ang Moscow State Circus, Modern American Circus, International All-Star Circus ay ilan lamang sa mga produksyon ni G. Nicholas.
Ayon naman sa nagdala ng Super American Circus sa bansa, ang Managing Director na si Edwin Chiong at producer na si Johanan Soyangco, talagang ginawa raw niya na reasonable ang prices ng tickets para mas maraming makabili.
The Super American Circus will have performances at 3 p.m. and 8 p.m. beginning December 21, 2022. Available ang tickets sa SM Tickets. Ito’y sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at SGE Productions.
Jane de Leon buwis-buhay ang action scenes sa Darna, naaksidente sa taping: Pagluhod ko may maliit palang pako
‘Derek-Ellen karga challenge’ patok na patok sa socmed; mga magdyowa kumasa sa hamon