Juliana Parizcova Segovia pasadong ‘twin sister’ ni Rihanna, magkamukha nga ba?

Juliana Parizcova Segovia pasadong 'twin sister' ni Rihanna, magkamukha nga ba?

Rihanna at Juliana Parizcova Segovia

ALIW na aliw ang mga netizens sa viral photo ng kontrobersyal na komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia at ng international singer na si Rihanna.

E, kasi nga, naikumpara ang litrato ng komedyante at unang grand winner ng “Miss Q&A” sa “It’s Showtime” sa itsura ng award-winning singer na si Rihanna.

Marami ang nagsabi na halos iisa ang aura ng dalawa nang pagtabihin ang kanilang mga litrato.


Nakita rin namin ang nasabing post sa Facebook page na “Main Pop Girls Stanposting” na in-upload noong November 4.

At in fairness naman, medyo may pagkakahawig nga ang dalawa sa mga naturang litrato lalo na sa  bandang mata at ibabang bahagi ng kanilang mukha.

Iba’t iba ang reaksyon ng mga netizens pero mas marami kaming nabasa na sumang-ayon sa resemblance at pagiging ka-lookalike nina Juliana at Rihanna.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa nasabing FB post.

“Disturbia vs. Disturbing.”

“Shine bright like a diamond / Ano ka gold?”

“Baby, this is what you came for vs. Definitely not.”

“Umagang-umaga eh hahahaha…”

“Ang aga ah HAHAHAHAHA madaling-araw lang talaga tayo may time mag-share ng memes kasi pagkasikat ng araw ay trabaho agad sa opisina. Hayss #adulting.”

“In fairness kamuka, kaso iba na itsura ni Rihanna ngayon.”

“Uy may resemblance nga… hanapin mo lang maigi hahaha.”

Wala pa kaming nababasang reaksyon mula kay Juliana hinggil sa viral photos nila ni Rihanna pero sure na sure kami na kapag nakita niya ito ay talagang mapapanganga at mapapa-wow din siya.

Ilan sa mga kantang pinasikat ni Rihanna ay ang “Disturbia” “Diamonds”, “Umbrella”, “We Found Love”, “Where Have You Been” at marami pang iba.

#IkawNaSakalam: Rihanna certified bilyonarya na ayon sa Forbes

Kumpirmado: Rihanna buntis na sa panganay nila ng dyowang rapper na si A$AP Rocky

Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

Read more...