Miss Earth Canada Jessica Cianchino may kahulugan ang pagkakatulad kay Miss Earth 2007

Jessica Cianchino

Jessica Cianchino/FACEBOOK PHOTO

ANG FILIPINO-CANADIAN na nagngangalang Jessica Cianchino ang kinatawan ng Canada sa 2022 Miss Earth pageant.

Unang reyna mula sa “Great White North” na nagwagi sa naturang pandaigdigang patimpalak si Jessica Trisko, na katulad ng kasalukuyang national titleholder ay Pilipina rin ang ina.

“When I found out this information I felt empowered. I do not believe that anything in life is a coincidence, and this striking similarity gives me confidence that history might be repeating itself,” sinabi ni Cianchino sa Inquirer sa isang online interview.

Ngunit kahit ikinagagalak niya ang pagkakatulad kay Trisko, na hinirang bilang 2007 Miss Earth sa Maynila, sinabi ni Cianchino na “there are many differences and especially unique qualities I humbly know I can offer to the Miss Earth organization.”

Kasalukuyang nasa bayan ng ina niya sa Los Baños sa Laguna ang 24-taong-gulang na kandidata mula Ontario habang hinihintay ang yugtong face-to-face ng Miss Earth pageant, na nagpatupad ng hybrid na kumpetisyon ngayong taon kung saan online ang unang bahagi ng patimpalak.

Virtual ang edisyon ng patimpalak nitong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi na bago kay Cianchino na makipagtagisan sa isang international pageant sa Pilipinas. Kinatawan na niya ang Canada sa 2019 Miss Asia Pacific International pageant sa Maynila, kung saan siya hinirang bilang second runner-up. “After I received the title, I wanted to participate in another pageant, however the pandemic put my plans on pause,” ibinahagi niya.

Sumali siya sa 2021 Miss World Canada pageant at nasungkit ang titulong Miss Earth Canada. “I experienced a feeling, an instant gratitude. Participating in pageants takes a lot of hard work and support, so I was blessed that all my efforts were recognized, and that I was able to make my family and community proud,” ani Cianchino.

Sinabi niyang maaaring makatulong sa kanya ang pagkakaroon ng lahing Pilipino. “The whole world has quickly recognized that the Philippines is a leading country in pageantry. Not only are Filipinos beautiful externally, but they have the brains to adequately match,” ipinaliwanag ni Cianchino.

Dinagdag pa niya: “Filipinos are known to be hospitable and resilient, and Canadians are known for their kindness. So as a Filipino-Canadian, hospitality, love and acceptance are in my blood. We also cannot forget about the Filipino fighting spirit.”

Sinabi niyang mahalaga ang mga katangiang ito para sa isang reyna ng Miss Earth, na inaasahang magsusulong sa pangangalaga sa kalikasan. “In order to preserve, conserve and save our home, we must be hospitable, loving and accepting stewards of the Earth,” hinayag niya.

Makakalaban ni Cianchino ang 90 ibang kinatawan mula sa iba’t ibang bansa. Makaraan ang serye ng virtual competitions, inaasahang magtitipon sa Maynila lahat ng mga kandidata para sa press presentation sa Nob. 14.

Itatanghal ang 2022 Miss Earth coronation program sa Cove Manila pool club ng Okada Manila sa Parañaque City sa Nob. 29.

Read more...