Sharon Cuneta nagtataka kung bakit hindi ‘minumulto’ ng mga magulang: Hindi naman ako matatakot…

Sharon Cuneta nagtataka kung bakit hindi 'minumulto' ng mga magulang: Hindi naman ako matatakot...

Sharon Cuneta at Elaine Cuneta (Photo from Sharon Cuneta Instagram)

HINDI matatakot si Megastar Sharon Cuneta sakaling “multuhin” siya ng kanyang mga yumaong magulang na sina Pablo Cuneta at Elaine Cuneta.

Miss na miss na raw ng actress-singer ang kanyang parents lalo na ang kanyang inang si Mommy Elaine na namaalam nga walong taon na ngayon ang nakararaan.

Ayon kay Mega, mas naiisip at naaalala niya raw nang madalas ngayon ang pinakamamahal na ina lalo na noong panahon ng kanyang kabataan.

Sa kanyang Instagram account, ginunita ni Sharon ang araw ng kamatayan ng kanyang nanay kalakip ang isang lumang larawan nila na magkasama.

“Eight years ago today, my Mommy passed…I miss you, my Mommy. I miss being a daughter to you and Daddy…


“I think of you more often nowadays…The kids and I exchange stories about you and more often than not, we end up laughing,” simulang pahayag ni Sharon sa caption.

Pagpapatuloy niya, “I so miss your voice, your laugh, the way you would tell us stories and make us all almost roll on the floor, laughing.

“I miss cooking with you, watching TV with you – I just miss everything about YOU. Why haven’t you or Daddy ever ‘visited’ me? You know I won’t get scared,” dagdag ng misis ni dating Sen. Kiko Pangilinan.

Kuwento pa ni Shawie, madalas daw niya niyang napapanaganipan si Mommy Elaine at parang wala raw pinagbago ang itsura nito kapag nagpapakita sa kanyang dreams.

“I have dreamt about you several times though – more often than Daddy – and you were always so beautiful in my dreams as you were when you were still with us…

“I love you and appreciate you more than ever…I miss you comforting and reassuring me…

“I miss you at movie premieres and concerts where I always wish you were still present, proudly watching me…

“I love you and will love you forever…Will see you again someday, Mommy… (heart and praying hands emojis),” ang  nakasaad pa sa caption ni Sharon sa kanyang IG post.

Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma

PBB big winner Yamyam Gucong tatay na: Welcome to the outside world baby Ali!

Kiko hindi ipagpapalit ang pagiging asawa ni Mega sa kahit anong bagay sa mundo

Read more...