Pangarap na ‘Mount Apo wedding’ ng 2 mountain climbers natupad na, hindi napigilan ng bagyong Paeng

Pangarap na 'Mount Apo wedding' ng 2 climbers natupad na, hindi napigilan ng bagyong Paeng

Lino Zerrudo at Nesgen Caburlan

HINDI napigilan ng mapaminsalang bagyong Paeng ang dream wedding ng dalawang mountain climbers na ginanap sa tuktok ng Mount Apo sa Davao last October 30.

Talagang kinarir ng bagong kasal na sina Lino Zerrudo at Nesgen Caburlan ang pag-akyat sa Mount Apo kasama ang ilang miyembro ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa kabila nga ng pananalasa ng Bagyong Paeng ay inakyat pa rin nila ang highest mountain in the Philippines para maisakatuparan ang matagal na nilang pinapangarap bilang mga mountain climbers.

Nag-viral ang nasabing kasalan matapos i-post sa Facebook ng kaibigan nina Lino at Nesgen na si Deonnel Peren ang mga litrato at video ng nakasaysayang wedding.

Kung hindi nagkakamali si Deonnel, ang kasal ng kanyang mga kaibigan ay ang “1st ever Wedding Ceremony at the peak of Mt. Apo.”

“This wedding had been a dream for the couple since both of them love mountain climbing and desired to one day seal their love in the highest mountain of the Philippines,” ang nakasaad sa caption ng kanyang FB post.

Makikita sa video ang paghampas ng malakas na hangin sa lugar pati na ang makapal na hamog habang ginaganap ang wedding ceremony.

“Our couple with seven of their friends travelled from Iloilo City to Bansalan to make their dream come true,” pahayag ni Deonnel.

Ngunit naantala nga ang pag-akyat ng grupo sa tuktok ng Mt. Apo dahil sa pagsama ng panahon at na-stranded sila sa campsite.

“Typhoon Paeng struck… the climb was aborted because of strong wind and rain,” sabi pa ni Deonnel.

Pero kinabukasan, sa mismong araw ng kasal nina Lino at Nesgen ay biglang gumanda ang panahon, “We woke up that Sunday morning with a beautiful sunrise.

“We hurried to take the 5 hours trek from the campsite to the summit…and the rest is history,” kuwento pa ni Deonnel.

Aniya pa, “God’s plan is still the best…we know He orchestrated this wedding to make it more beautiful and memorable for our couple.

“Every relationship is unique and Lino and Nesgen wanted their exchanges of vows to be special between them in the presence of the officiating minister and sponsors…simple yet solemn,” dagdag pa niya.

Nakapalitan namin ng mensahe ngayong umaga si Deonnel at inilarawan niya uli sa amin ang naganap na kasalan. Siya ay isang teacher at pastor sa Northeastern Mindanao Mission of the Seventh-day Adventist sa Butuan City, Agusan del Norte.

“It was wonderful…so simple but solemn…it’s maybe because the love birds share the same passion and love the outdoors…truly it’s love that makes a simple wedding so special.

“It’s not about the place, but the people whose relationship is sealed by God’s grace because of LOVE.

“I recommend to couples not to stress out on endless preparation of wedding just to please others…but rather make it special for both of them and the people they love,” aniya pa.

Viy Cortez ido-donate ang 1 araw na kita sa mga biktima ni ‘Paeng’ mula sa mabebentang skincare at cosmetic products

Andi Eigenmann nabwisit sa ilang turista sa Siargao na basta na lang nag-iwan ng basura matapos mag-inuman

Carla nakiusap na huwag basta iwan ang mga alagang hayop kapag may kalamidad: Give them the best chance of survival

Read more...