Vice ibinandera ang kahulugan ng regalong singsing kay Ion: Gusto ko araw-araw maramdaman mo rin ‘yung napi-feel ko

Vice ibinandera ang kahulugan ng regalo niyang singsing kay Ion: Gusto ko araw-araw maramdaman mo rin 'yung napi-feel ko

Vice Ganda at Ion Perez

IBINANDERA ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa madlang pipol ang bonggang anniversary gift niya para sa kanyang “asawang” si Ion Perez.

Isang singsing ang regalo ng TV host-comedian kay Ion na ibinigay niya sa mismong selebrasyon ng kanilang 4th anniversary as a couple.

Makikita sa kanyang latest YouTube vlog ang naging mga eksena sa nasabing selebrasyon kasama ang kanilang mga kapamilya at kaibigan na ginanap sa isang sosyaling resort sa Quezon.

Sa isang bahagi ng video mapapabood ang pag-abot ni Vice ng singsing sa kanyang life partner. Sabi ng komedyante, “Siya ‘yung kapayapaan ko sa panahon ng kangaragan, sa panahon ng kai-stressan.

“Just like recently, ang dami kong fragile moments and Ion was trying to be very strong for me.

“‘Yun ‘yung pinakamalaking regalo sa akin ng Diyos bukod sa pamilya ko at malalapit kong kaibigan. May isang sandigan ako ng lakas na binigay niya sa akin para hindi ako manghina sa mga pagkakataon ng ngarag,” chika pa niya.


“Gusto kong magbigay ng ganito sa ’yo to remind you everyday ‘yung mga masayang moments na ipinaramdam mo sa akin nu’ng sinuot mo (singsing) sa kamay ko.

“Araw-araw nararamdaman ko ‘yon at gusto ko araw-araw maramdaman mo rin ‘yon. This is a reminder of my love for you, my gratefulness to you, basta lahat. This is to remind you of me, of you and me,” pahayag pa ng Kapamilya star.

Sabi ng TV host-comedian, super secured na sila ni Ion sa kanilang relasyon at looking forward na sila sa mga mas exciting parts ng buhay nila sa mga susunod na taon.

Pahayag pa ni Vice, araw-araw niyang ipinararamdam kay Ion ang kanyang pagmamahal at ganu’n din ang actor-model sa kanya kaya naman feel na feel niya ang mas lalo pang lumalalim na relasyon nila.

Ayon sa komedyante, ang pinakabonggang naibigay sa kanya ni Ion ay ang kapayapaan ng kalooban lalo na sa mga panahong hindi kagandahan ang nararamdaman niya at kapag inaatake ng anxiety.

“Ion was trying to be very strong for me. Ganu’n kami, e, salitan kaming dalawa. Kapag may fragile moments ako, pinipilit niyang maging malakas for me.

“Kasi kaming dalawa, naghihiraman lang kami ng lakas, at yun ang pinakamalaking regalo ng Diyos,” dugtong pa niya.

Message pa ng Unkabogable Star kay Ion, “Kaya I’m just very thankful that you’re always around, at I’m very happy na meron akong constant source of strength and happiness na kahit wala kang ginagawa, yung nandiyan ka lang, yung alam ko na nandiyan ka lang, ang laking-laking bagay na sa akin yun.”

“At ang sarap-sarap makaramdam na for the longest time, for the longest time na bigay ka nang bigay, ang sarap dumating nu’ng araw na ikaw naman yung nakakatanggap kahit wala kang hinihingi.

“Punumpuno ako ng assurance ko sa sarili ko na matagal na matagal na matagal ko pa ‘tong mae-experience. Yung wala akong naramdamang takot,” lahad ni Vice.

Dagdag pa ng komedyante, “I’m so assured and secured of your love. And you being there for me and with me. Kaya, thank you, thank you very much and I love you.

“Happy fourth anniversary, for the win, forever, and ever, amen!” mensahe pa ng Kapamilya star.

Nangako naman si Ion na mamahalin niya ang kanyang “asawa” hanggang sa kanilang pagtanda at magpapakasal din daw sila pagdating ng tamang panahon.

Tugon sa kanya ni Vice, “Suwerte ko, di ba, meron akong kasama na hindi nahihiyang sabihin yung mga bagay na minsan nakakahiya.

“Kasi minsan ang cheesy pakinggan, ang cheesy sabihin, ang cringey for other people, pero siya wala siyang kebs.

“Your’e one in a million. And I’m so blessed to have you. Happy anniversary, I love you!” pahabol pang pahayag ni Vice kay Ion.

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Read more...