2-0 asinta ng PETRON | Bandera

2-0 asinta ng PETRON

Barry Pascua - October 02, 2013 - 03:00 AM

Laro Ngayon
 (Cuneta Astrodome)
7 p.m. Petron Blaze vs. Rain Or Shine

PATULOY na pinapaboran ang Petron Blaze laban sa Rain Or Shine sa Game Two ng 2013 PBA Governors Cup best-of-five semifinals series mamayang alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Nagtulong ang import na si Elijah Millsap at Gilas Pilipinas center na si June Mar Fajardo  partikular na sa fourth quarter ng Game One noong Lunes upang magwagi ang Boosters, 91-83.

Ito ang ika-10 sunod na panalo ng Boosters matapos na matalo sa Meralco, 89-83,  sa kanilang unang laro noong Agosto 16. Sa puntong ito’y kabisado na ng bagong coach na si Gelacio Abanilla III, na humalili kay Olsen Racela bago nagsimula ang torneo, ang balasahan sa Boosters.

Nag-animong halimaw si Millsap matapos na matawagan ng technical foul nang batuhin niya ng bola si Ryan Arana sa simula ng fourth quarter. Mula roon ay gumawa siya ng 11 sunud-sunod na puntos.

Tinulungan siya ni Fajardo hindi lang sa puntos kundi sa pagdomina sa rebounds. Kung makakaulit ang Petron sa Rain Or Shine mamaya ay magkakaroon ng oportunidad ang Boosters na tapusin na ang serye sa Linggo at dumiretso sa best-of-seven championship round kontra sa mamamayani sa duwelo ng SanMig Coffee at Meralco.

Ayaw naman ni Coach Abanilla na lubusang magkumpiyansa ang Boosters dahil alam niya na kayang makabalik ng Elasto Painters sa serye.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending