Vice mas minahal pa si Ion: For the longest time na bigay ka nang bigay, ang sarap makatanggap kahit wala kang hinihingi…

Vice Ganda at ion Perez

ISANG bonggang-bonggang “regalo” ang matagal nang naibigay ni Ion Perez sa kanyang “asawang” si Vice Ganda kaya naman wala na raw mahihiling pa ang Phenomenal Box-Office Star.

Sa pagdiriwang ng kanilang 4th anniversary (last October 25), gumawa ng special vlog ang Kapamilya couple at dito nga nila
Ibinahagi ang mensahe nila para sa isa’t isa.

In-upload ito ni Vice, kagabi, November 7. Kinunan ang kanilang YouTube vlog nang magbakasyon sila sa isang private resort sa Tiaong, Quezon.

Ayon sa TV host-comedian, super secured na sina Vice at Ion Perez sa kanilang relasyon at looking forward na sila sa mga mas exciting parts ng buhay nila sa mga susunod na taon.

Pahayag pa ni Vice, araw-araw niyang ipinararamdam kay Ion ang kanyang pagmamahal at ganu’n din ang actor-model sa kanya kaya naman feel na feel niya ang mas lalo pang lumalalim na relasyon nila.

Ayon sa komedyante, ang pinakabonggang naibigay sa kanya ni Ion ay ang kapayapaan ng kalooban lalo na sa mga panahong hindi kagandahan ang nararamdaman niya at kapag inaatake ng anxiety.

“Ion was trying to be very strong for me. Ganun kami, e, salitan kaming dalawa. Kapag may fragile moments ako, pinipilit niyang maging malakas for me,” ani Vice.

“Kasi kaming dalawa, naghihiraman lang kami ng lakas, at yun ang pinakamalaking regalo ng Diyos.

“Bukod sa pamilya ko at malalapit kong kaibigan, may isang malaking sandigan ako ng lakas na binigay niya sa akin para hindi ako manghina sa mga pagkakataon na ngarag,” chika ni Vice.


Ito naman ang message ng Unkabogable Star kay Ion, “Kaya I’m just very thankful that you’re always around, at I’m very happy na meron akong constant source of strength and happiness na kahit wala kang ginagawa, yung nandiyan ka lang, yung alam ko na nandiyan ka lang, ang laking-laking bagay na sa akin yun.”

“At ang sarap-sarap makaramdam na for the longest time, for the longest time na bigay ka nang bigay, ang sarap dumating nu’ng araw na ikaw naman yung nakakatanggap kahit wala kang hinihingi.

“Punumpuno ako ng assurance ko sa sarili ko na matagal na matagal na matagal ko pa ‘tong mae-experience. Yung wala akong naramdamang takot,” lahad ni Vice.

Dagdag pa ng komedyante, “I’m so assured and secured of your love. And you being there for me and with me. Kaya, thank you, thank you very much and I love you.

“Happy fourth anniversary, for the win, forever, and ever, amen!” mensahe pa ng Kapamilya star.

Nangako naman si Ion na mamahalin niya ang kanyang “asawa” hanggang sa kanilang pagtanda at magpapakasal din daw sila pagdating ng tamang panahon.

Tugon sa kanya ni Vice, “Suwerte ko, di ba, meron akong kasama na hindi nahihiyang sabihin yung mga bagay na minsan nakakahiya.

“Kasi minsan ang cheesy pakinggan, ang cheesy sabihin, ang cringey for other people, pero siya wala siyang kebs.

“Your’e one in a million. And I’m so blessed to have you. Happy anniversary, I love you!” pahabol pang pahayag ni Vice kay Ion.

Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Read more...