Dimples sa mga nagtatanong kung nasaan nga ba si Angel: Ibigay na lang muna natin sa kanya yung privacy…

Dimples sa mga nagtatanong kung nasaan nga ba si Angel: Ibigay na lang muna natin sa kanya yung privacy...

Angel Locsin at Dimples Romana

MARAMI pa rin ang nagtatanong kung nasaan ba ngayon si Angel Locsin at kung bakit parang siya nagparamdam nitong mga nakaraang buwan.

Hinahanap kasi ng madlang pipol ang Kapamilya actress sa mga relief mission para sa mga kababayan nating nabiktima ng mga nagdaang kalamidad, partikular na ang sunud-sunod na lindol kamakailan.

Bakit daw parang hindi nila naramdaman ang presence ni Angel na palaging nauuna sa pagtulong sa mga nabibiktima ng kalamidad sa Pilipinas.

Kaya sa grand mediacon ng bagong Kapamilya series na “The Iron Heart” natanog ang isa sa cast members na si Dimples Romana kung kamusta na nga ba ang kanyang BFF na si Angel Locsin.

“Dapat hindi ako ang tinatanong n’yo. Pero alam mo naman tayong mga tao, of course we have moments na you know, we want to… paano ba, ako kasi mayroon akong mga moments na ganyan, eh.

“Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel super earned that kind of (privacy) kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since,” paliwanag ni Dimples sa panayam ng ABS-CBN.


Sey ng aktres, matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ni Angel na ninang ng anak niyang si Alonzo, “Even at this point, I always give it to her as well pero malapit na ang birthday ko kaya, ano na, lagi kong nakikita si Gel.

“Lalo na last time, I think I got to visit her a few months ago, I was in the area. My son goes to school around her area, so we had lunch together. So, ayun, that was the last time I saw her,” chika pa ni Dimples.

Ngunit aniya kahit hindi sila nagkikita nang personal, “She always messages me naman and I always call her, very random naman kaming magkaibigan.


“So ‘yung pagkakaibigan namin hindi parang pagkakaibigan na parang pang-artista, pang normal na tao siya, nagtatawagan, nagfi-FaceTime, ganu’n,” aniya pa.

“But I think, kung mayroon man, I think ang dami nang nagtatanong sa akin parang pang-ilan na kayo, kung mayroon man, ibigay na natin ang privacy na ‘yun, ibigay na natin ‘yun sa kanya.

“And I think na earn na ni Gel ‘yung ganu’n klase ng luxury ‘yung time and privacy with Neil (Arce, her husband).

“And si Neil ka-message ko last time sabi ko ‘Hoy ano na kamusta?’ Tapos sine-sendan ko sila ng videos ni (Baby) Elo kasi si Gel ang ninang ni Alonzo, si Neil ang ninong ni Elo,” sey ni Dimples.

Dugtong pa niya, “But, for anything, we should give lang Gel the time na you know she wants to keep it to herself.”

Jake Zyrus humiling ng ‘privacy’ habang nagluluksa sa pagkamatay ng lola at tiyuhin

Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay

Ogie Alcasid nagpositibo sa COVID-19 kaya absent sa ASAP: Inabot din…let’s do this Lord!

Read more...