Bagong online business ni Kim Chiu patok sa madlang pipol
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Kim Chiu
TRULILI kaya na naka-base sa Bangkok, Thailand ang pinagpapagawaan o kinukuhanan ni Kim Chiu ng mga ibinebenta niyang bags sa House of Little Bunny.ph?
Nabanggit kasi ng aming kaibigang madalas magpunta sa nasabing bansa na ‘yung ibinebentang bags ni Kim na nag-soldout kaagad ay doon umano gawa.
“Para hindi kopyang-kopya ‘yung nasa mall, pinaiiba ni Kim ‘yung design like may pinadadagdag o pinatatangal ‘yung bulsa.
“Marami namang gumagawa ng ganu’n tapos dadalhin sa atin (Pilipinas) tapos sila na ang distributor. Halos lahat ginagawa ang ganu’n.
“Meron lang hindi nabago ni Kim kasi wala na sa website nila yung parang design ng Hermes na maliit pink yata kulay no’n,” kuwento ng aming kaibigan.
Dagdag pa niya, “Hindi na big deal ‘yun, Regs kasi lahat ng mga nag-o-online selling ngayon sa ibang bansa nanggagaling lalo na kung nakakuha ka ng magandang deal.
“Halos lahat, check mo lang ‘yung mga artistang nagbebenta, mostly dito sa Bangkok galing kasi mura ang kuha nila. Malaki ang kita,” sabi sa amin.
Nabanggit sa amin ang mga presyong nasa mall at for sure mas makakamura pa kung maramihan ang kuha sa supplier.
Ang cute naman kasi ng mga bag na binebenta ni Kim at sa rami ng supporters niya ay soldout agad ang mga ito.
Sinusubakan naming hingan ng pahayag ang kampo ni Kim ngunit hindi pa kami nakakatanggap ng sagot. Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ng aktres at TV host.