Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

Alden Richards

NGAYONG darating na December, ipagdiriwang na ng Asia’s Mulimedia Star na si Alden Richards ang kanyang ika-12 anibersaryo sa entertainment industry.

Siguradong maraming inihandang pasabog na sorpresa ang Kapuso A-list actor para sa kanyang mga loyal supporters na mula noon hanggang ngayon ay nakasuporta lagi sa kanya.

Kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang mga fans ni Alden all over the universe kung anu-ano pa ang mga nakalinyang projects ng GMA 7 para sa binata bukod sa umeere niyang primetime teleserye ngayon, ang “Start-Up PH” kasama si Bea Alonzo.

In fairness, talagang nagsimula naman si Alden sa baba bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon sa mundo ng showbiz. Pinaghirapan ng binata ang lahat ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Pero knows n’yo ba kung magkano ang talent fee ni Alden noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista sa GMA, 12 taon na ngayon ang nakararaan?

“I think ang unang suweldo ko P10,000, ‘yun yata ‘yung pinakauna kong payslip ko sa GMA,” pagbabahagi ni Alden sa interview ng GMA Network sa virtual mediacon para sa “Start-Up PH Special Watch Party” with GMA Pinoy TV last Saturday (November 5).


“Medyo nagkaroon naman ako ng early experience in managing my money, dahil sa Lola Ko. Ganun ‘yun e, mga first year ko sa GMA lahat ng sahod goes to my bank.

“Doon ko muna siya nilagay lahat. And then with the income that I’m having at that moment kinonsider ko muna ‘yung quality of life ko, ‘How do I make my life at the moment more productive, because I live in Laguna and my work is in Manila?’

“Every day nagko-commute kami ni Mama Ten, so inuna ko muna ayusin ‘yun para at least marami akong trabaho magawa,” pagbabahagi pa ng Pambansang Bae.

Kuwento pa niya, noong panahong yun bumili rin siya ng second-hand car para may magamit siya kapag pupunta siya ng taping, shooting at live guestings.

“So, mas marami ako ma-produce ng income. So bumili ako ng second hand na kotse.

“Lakasan lang ng loob, trust your gut. Sometimes ‘yung gut feel is a very powerful tool, when it comes to decision making,” ani Alden.

Samantala, aminado ang binata na patuloy siyang naghahanap na mga bago at makabuluhang proyekto para sa mas ikagagand pa ng kanyang career, lalo pa’t 12 years na nga siya sa industriya.

“I don’t settle for a certain accomplishment. I always move forward, I always look for other opportunities. Para hindi ako relax, I’m always at the edge of my seat–laging may kaba, laging my uncertainty.

“Kasi when you are too comfortable already with your life right now, it means ayaw mo ng growth. Ayaw mo nang lumaki, so being here for 12 years ganun lang ako lagi.

“Mero’n akong opportunity na naging successful ako, the question is: What’s next? Saan ako pupunta and yun ‘yung growth, dun ka nagma-mature and then to experience things first hand. Doon mo nate-test ‘yung sarili mo,” pahayag pa ng aktor sa panayam ng GMA Network.

Para naman sa lahat ng sumusubaybay sa “Start-Up PH”, “We are thanking all the supporters of the show for being with us every night.

“Start-Up PH is a guide for Filipinos na gusto talaga magtayo ng sarili nilang mga negosyo, especially when it comes to the tech industry.

“Because, kami as being the cast marami rin kami natutunan dito, while doing it. So, marami kami nabaon na personal learnings from this teleserye,” pahayag pa ng Kapuso heartthrob.

Alden umaming ‘pera-pera’ lang ang dahilan kung bakit gustong mag-artista noon; iyak nang iyak nang matalo sa StarStruck

Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit

‘Fast talk’ video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya?

Read more...