Kathryn mas lalo pang tumaas ang respeto, paghanga sa mga nurse at doktor; Zanjoe sinagot na nga ba ni Ria?

Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Daniel Padilla, Ria Atayde at Zanjoe Marudo

TILA in-out na ni Kathryn Bernardo na magdyowa na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Ito ang dating sa mga netizens ng photo na ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan makikitang nasa unahan niya sina Zanjoe at Ria na sweet na sweet sa isa’t isa.

Nakahawak kasi sa bewang ni Zanjoe si Ria at si Zanjoe naman ay tila nakaakbay sa dalaga. Kuha ang photo sa Japan kung saan nagbakasyon sina Daniel Padilla at Kathryn kasama sina Robi Domingo at Joshua Garcia, at siyempre, sina Zanjoe at Ria.

Ang tanong tuloy ng marami, magdyowa na nga ba sina Zanjoe at Ria at wala na ba sila sa dating stage?

Anyway, Kathryn who plays a hardworking nurse named Ali in “2 Good 2 Be True” showed her admiration sa mga medical practitioners.


“I have so much respect sa lahat ng nasa medical field because my ate is a nurse. Nakita ko ‘yung hirap niya simula noong nag-aral siya hanggang gumradweyt siya hanggang nagtatrabaho siya.

“And then ‘yung brother ko naman is a dentist. Kahit paano nasa medical field and hindi joke mag-aral for that. And hindi rin joke ‘yung gagawin mo and applying lahat ng napag-aralan mo kasi buhay na ‘yung nakasalalay, eh,” say niya sa finale presscon ng “2 Good 2 Be True.”

“Hangang-hanga ako sa kanila kasi ang hirap ilagay ‘yung wall na you’re a nurse and you’re a patient kasi naikuwento rin ng ate ko sa akin before na sometimes you become too attached sa patient.

“Sometimes mase-save mo, sometimes hindi and ang hirap nu’n para sa nurse kasi nakikita mo. Ikaw ‘yung gumagamot sa kanila, ikaw ’yung lumalaban para sa kanila,” dagdag pa niya.

“Siguro after the show, ‘yung respeto ko sa kanila, kung paano nila hina-handle (‘yung challenge), ang galing. Hindi joke ‘yung work nila. They deserve all the praises na nakukuha nila. Ang hirap. Ang dami nilang ginagawa,” sabi pa niya.

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Ria Atayde excited sa pagpapakasal nina Arjo at Maine: I can’t wait!

Sylvia puring-puri sina Ria, Elijah at Iana: Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito kasi ako ang mapapahiya

Read more...