TikTok star Bella Poarch 4 years nang kasal, pero nag-file na raw ng divorce

TikTok star Bella Poarch 4 years nang kasal, pero nag-file na raw ng divorce

Bella Poarch

PASABOG ang lumabas na balita tungkol sa sikat na sikat na Filipino-American TikTok star na si Bella Poarch.

Halos apat na taon na palang kasal ang kilalang social media media personality kay Tyler Poarch na halos wala talagang nakakaalam kahit ang kanyang mga loyal fans.

Nagpakasal umano ang dalawa noong January, 2019 at malamang isang secret marriage nga ang naganap dahil wala ngang masyadong nakakaalam ng tungkol dito.

Pero ang nakakalokang twist sa chikang ito, nag-file na raw ng divorce si Bella para tapusin na ang four-year marriage nila ni Tyler.

Base sa ulat ng entertainment website na TMZ, nagsampa na ng divorce sa Los Angeles County si Bella o Denarie Poarch sa tunay na buhay.

Base sa mga dokumentong nakuha ng TMZ, nagdesisyon na si Bella na wakasan na ang ugnayan nila ni Tyler dahi sa “irreconcilable differences” nilang asawa.

In fairness, napakagaling magtago ng sikreto ng socmed personality dahil wala ngang nakaalam nito at never napag-usapan ng kanyang mga tagasuporta.


Wala naman kasing ipinost si Bella na photos o videos sa kanyang Instagram at TikTok accounts ng kahit anong may kaugnayan kay Tyler. Hindi rin siya nakitang nagsuot ng wedding ring sa kanyang mga ginagawang entries sa TikTok.

Ayon pa sa ulat, hindi nagkaroon ng anak sina Bella at Tyler. Wala rin daw planong alisin ng isa sa mga tinatawag na TikTok Queen ang apelyidong Poarch sa kanyang pangalan.

Nakilala si Bella dahil sa mga paandar na video niya sa TikTok  noong April, 2020. Sa ngayon, meron na siyang more than 90 million followers sa TikTok. Na-link din siya kay Joshua Garcia matapos umaming crush niya ang aktor.

Last September, napasama si Bella sa listahan ng Forbes bilang fourth highest-paid TikTok star matapos kumita ng U$5 million noong 2021.

“Bella Poarch is the only person on this list to have served in the military. The former Navy helicopter mechanic has continued to be a true crossover star.

“Since attracting 90 million-plus TikTok followers with her lip synching videos, Poarch has been trying to make it as a musician. The Philippines native’s single ‘Build a B*tch’ reached No. 58 on Billboard’s pop chart in May 2021.

“She’s done deals with luxury fashion house Moncler and video game Call of Duty, helping to make her one of the highest-paid TikTokers in 2021.”

Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ni Bella Poarch tungkol sa isyung ito.

Joshua Garcia sa posibilidad na maging crush si Bella Poarch: Why not?

Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

Bella Poarch hindi napigilan ang ‘pagkahumaling’ kay Joshua Garcia

Read more...