MADALAS mag-trending sa social media ang ilang mga eksena sa pinakabagong primetime teleserye na tungkol sa legendary Filipino superheroine… Ang “Darna.”
Kaya naman ngayong Halloween, nakaisip ng kakaibang gimik ang isang netizen na mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Imbes na babae, naging lalaki ang Darna transformation ng freelance artist na si Spencer Geronimo.
At ang kanyang superhero name daw ay…. “Darno!”
Ibinandera mismo ni Spencer Geronimo ang kanyang photoshoot sa Facebook.
Makikita ang kanyang pag-transform mula sa pagiging schoolboy hanggang sa maging Darna-inspired superhero.
Sey pa niya sa caption, “My personal design and crafted costume of Darno… I hope you like it folks…”
Na-interview ng INQUIRER.NET si Spencer at nakuwento nga niya na siya mismo ang nagdisenyo at gumawa ng kanyang costume.
Umabot daw ng tatlong gabi para matapos ito.
Sinabi pa niya na nais niyang maging inspirasyon sa maraming kabataan na kahit ano man ang kasarian ay pwedeng maging bayani.
“This gender-bender costume style inspires flexibility in any ideas of an iconic image that can fit any gender,” sey ni Spencer.
Dagdag pa niya, “We all know that Darna is a trend again in this generation, but we know that Darna is a female.
“So I gave a twist to that character, ‘What if we make a male Darna out of Ding’s character?'”
Patuloy pa niya, “I want to inspire others that not only women can be a superhero, as it does not depend on everyone’s gender.
“If you have good intentions to be a hero—not just a fictional character but in real life—we can be real heroes in our own story.”
Libo-libong netizens na ang napahanga ni Spencer sa kanyang post at costume.
Read more:
3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok
Indonesian na may ‘British accent’ viral sa TikTok, may milyon-milyong likers
Letter na nagpaiyak sa mga netizens viral na: ‘Hindi ko man kagustuhan, sorry Panda…’