SB19 humataw sa first TV guesting sa US: ‘They’ve made history!’

SB19 humataw sa first TV guesting sa US: 'They’ve made history!'

PHOTO: Twiiter/@SB19Official

MAY bagong milestone ang Pinoy pop group na SB19!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon sila ng TV guesting sa Amerika.

Nangyari ‘yan noong November 4 sa morning show ng Fox 5 na “Good Day New York.”

Ibinandera pa mismo ng American television station ang segment ng SB19 sa YouTube.

Mapapanood sa video na ipinakilala muna ang grupo bilang sikat na boy band ng Pilipinas na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino act na nakapasok sa tatlong Billboard Charts.

Pakilala ng show, “The popular boy band from the Philippines on a global tour.

“They’ve made history, becoming the first and only Filipino Act to enter three Billboard charts early in their career.”

Nagkaroon pa ng special performance ang SB19 at all out na itinanghal ang kanilang first English single na “WYAT (Where You At).”

Sa interview sa Fox 5 ay ikinuwento ng leader ng grupo na si Pablo na siya mismo ang nagsulat ng “WYAT” at tungkol daw ito sa paghahanap ng kapayapaan at kasiyahan kasama ang mga mahal sa buhay.

Sey niya, “I wrote it during the pandemic, and you know, this song is all about reconnecting and finding peace and happiness within the company of our loved ones.”

Hindi rin pinalampas ng isa pang miyembro ng boy band na si Stell ang pagkakataon na ipinakita naman ang isa sa kanyang “signature dance move” sa debut song na “Go Up.”

Proud niyang sinabi na siya raw ang nagsisilbing dance choreographer ng kanilang grupo.

Kwento niya, “Right now, we have our own choreographer because we have a very hectic schedule, so I cannot make a lot of choreography right now.

“But most of our songs, I choreographed it with my members.”

Tila hindi makapaniwala ang SB19 sa kanilang first TV guesting sa Amerika kaya napa-post din sila sa social media at ibinandera ang link ng kanilang segment.

Caption nila, “Surrexal! Hope you didn’t miss our first live U.S. TV guesting earlier at @fox5ny (sad face emoji)

“Here’s a link you can look back on of our performance earlier!”

Kasalukuyang nasa U.S tour ang boy P-Pop group para i-promote ang kanilang bagong album.

Bunyag ni Pablo sa nabanggit na morning show, “We will be performing two of our albums, all of the songs in there.

Aniya, “They should get ready and of course this is our first time, we will make sure that it will be a blast.”

Read more:

SB19 senti mode sa ika-4 na anibersaryo, sinorpresa ng staff: ‘Parang hindi mo namamalayan na four years na pala kami’

Kakai Bautista sinugod ang SB19 sa ‘Eat Bulaga’, kilig na kilig kay Stell: Sorry naaaaaa! Na-starstruck ako!

SB19 humataw sa opening ng Bb. Pilipinas 2022; Catriona Gray, Nicole Cordoves wagi ang energy bilang hosts

Read more...