2 aktor nag-away dahil kay Mikee Cojuangco: ‘Hindi ako kinikilig at hindi ako natutuwa…at inaaksaya n’yo ang oras ko’

2 aktor nag-away dahil kay Mikee Cojuangco: 'Hindi ako kinikilig at hindi ako natutuwa...at inaaksaya n'yo ang oras ko'

Dodot Jaworski at Mikee Cojuangco

NAKAKALOKA ang naging rebelasyon ng aktres at atletang si Mikee Cojuangco-Jaworski tungkol sa dalawang aktor na nanligaw sa kanya ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Binalikan ni Mikee ang bonggang eksenang naganap noon habang nagda-dubbing siya sa isang studio para sa isang pelikulang ginawa niya.

Matagal na raw nangyari ito pero tandang-tanda pa niya kung paano nag-away ang dalawang male celebrities na nag-away dahil sa kanya nang magpang-abot sa kinaroroonan niyang studio.

“Dumating ‘yung isa, kasi siguro may project din sila doon. So the usual na, ‘Mamaya, mamaya, nagtatrabaho ako.’ Ang sungit ‘no? Ha-hahaha!

“Tapos dumating ang isa, kasi nalaman nga na nandoon ako, eh may work din nearby, wala pang cellphone nu’n, I didn’t have a beeper, kasi ayaw ko nga ‘yung nako-contact,” kuwento ni Mikee sa “Surprise Guest With Pia Arcangel.”

“Tapos after, may pumasok, tapos nag-aaway daw sa labas. I called the director of the film that I was dubbing for. ‘Direk, ganyan-ganyan.’

“Sabi niya, ‘Hindi ako nagtatrabaho ngayon, eh,’ mukhang nakainom. I was like, no one’s gonna help me kasi wala naman siyang (direktor) work, ‘di ba?” pagbabalik-tanaw ni Mikee.


Hanggang sa kinompronta na raw niya ang dalawang manliligaw na aktor, “Oh my gosh! So lumabas ako, (sabi ko) ‘Alam n’yo, istorbo kayo,’ as in ganu’n.

“Kasi nga I am an athlete right, ako sanay ako na ginaganu’n ako eh. ‘Alam mo ayusin mo ang ginagawa mo,’ I’m used to that kasi its business.

“‘Alam n’yo, nagtatrabaho ako. Kung nandito kayo dahil gusto n’yo na pasayahin ako kasi interesado kayo, ako na mismo nagsasabi sa inyo, hindi ako natutuwa,'” pahayag pa niya.

Kasunod nito, diretsahan na raw niyang sinabi sa dalawang aktor na hindi niya type ang dalawang manliligaw.

“And I was like so sweet naman, I said it naman so nice. I was like ‘Kasi hindi naman ako natutuwa,’ sabi ko. ‘Kung gusto niyong mag-away, okay lang.

“Pero siguro useless na pag-awayan niyo ako kasi hindi naman ako pipili ng kahit isa sa inyo.’ I literally said that,” aniya pa.

“Actually ito ang nasa ulo ko na gusto kong sabihin, ‘Ganito rin trabaho niyo ‘di ba? Gusto niyo gagawin sa inyo ‘yon?’

“Sila ‘yung face nila, ‘Yes kasi siyempre nakakakilig if someone will do this for us,'” ang sagot daw ng mga aktor.

“‘Well hindi ako kinikilig at hindi ako natutuwa. At nag-aksaya kayo ng oras ko. Alam n’yo naman na nagte-training ako. Ano ‘to? Five minutes na ako nandito nakikipag-usap sa inyo. That’s five minutes more of sleep that I could have gotten before I train,” hirit naman ni Mikee sa dalawang aktor.

Samantala, solid na solid pa rin hanggang ngayon ang married life nina Mikee at Robert “Dodot” Jaworski na 23 years nang na nagsasama bilang mag-asawa.

Mikee Quintos ayaw pasukin ang politika; umaming super na-miss si Kelvin Miranda

Si Charlie Cojuanco nga ba ang ‘C’ sa buhay ni Sharon Cuneta?

Dominique Cojuangco engaged na sa non-showbiz boyfriend: For Life!

Read more...