Nickelodeon star Eduard Bañez nakaranas ng diskriminasyon sa US, gustung-gusto nang umuwi ng Pinas, pero…

Nickelodeon star Eduard Bañez nakaranas ng diskrimasyon sa US, gustung-gusto nang umuwi ng Pinas, pero...

Eduard Bañez

TULAD ng karamihan sa mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan na sa Amerika, nakaranas din doon ng diskriminasyon ang Nickelodeon star at dating Star Magic talent na si Eduard Bañez.

Maganda at maayos na ang estado ng buhay ngayon ni Eduard sa US ngunit hinding-hindi pa rin niya nalilimutan ang ilang nakalulungkot na karanasan niya sa nasabing bansa.

Pagbabahagi ni Eduard, nakuryente siya sa pinagtatrabahuhang Six Flags Mountain (isang sikat na theme park sa California) gayundin ang iba pa niyang kasamahan. Ilang taon na raw itong nangyari at nagreklamo sila pero hanggang ngayon ay wala pa rin daw nangyayari.

Naniniwala si Eduard na kung hindi sila banyaga ay baka mabilis ang naging aksyon sa kanila ng naturang kumpanya.


Nagkakaroon din daw ng diskriminasyon sa kanya sa pagre-renew sa kanyang green card. Kinuha raw ng USCIS (United States Citizenship ang Immigration Services) ang kanyang lumang green card two years ago pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nare-release.

Gustung-gusto na niyang umuwi ng Pilipinas pero dahil sa problema sa kanyang green card ay hindi pa rin daw niya ito magawa.

“Paano ba naman ako makakauwi? Tinatatakan lang ang passport ko every 3 months. ‘Yung parents ko ay US citizens na rito,” sabi pa ni Eduard.

Bukod pa rito ay tinanggal din daw siya sa mga pinagtrabahuang American Airlines at Six Flags Magic Mountain because of his ADHD (attention deficit hyperactivity disorder).

“Bakit nila ako tatanggalin sa work because of my ADHD disability? Dito sa America, kapag may disability ka, may special treatment at ‘di ka pwedeng tanggalin basta-basta dahil kapag tinanggal ka, discrimination ‘yon,” hinaing ni Eduard.

Sa ngayon ay waiting pa rin siya ng appointment for interview sa embassy na napakatagal na raw niyang hinihintay para ma-release na ang kanyang green card.

Aminado si Eduard na nami-miss na niya ang showbiz at gustong-gusto na niyang bumalik sa bansa. Given the chance, gusto raw sana niyang balikan ang naiwang career dito.

Actually, naging maganda rin ang career ni Eduard dito sa Pilipinas. Taong 2006 nang i-launch siya as one of the Star Magic Batch 15 talents at 17 years old lang siya noon.

Ang mga kasabayan niya sa nasabing batch ay sina Jessy Mendiola, Bela Padilla at Megan Young.

Nabigyan din siya ng chance na maging co-anchor ni Arnell Ignacio sa isang teleradio show sa Radyo Singko 92.3 News FM. Naging news anchor din siya sa NET25.

Taong 2015 naman nang iwan ni Eduard ang kanyang career sa Pilipinas dahil nga nag-migrate na ang kanyang pamilya sa Amerika.

Dating news anchor Eduard Bañez planong balikan ang showbiz career sa Pinas; nakatrabaho sina Justin Bieber at Sia sa US

Rabiya nag-sorry sa 2 Miss Universe candidate na inokray ng ilang Pinoy pageant fans

Sharon Cuneta sa nagsasabing nang-agaw sila ng campaign color: Go find your own color!

Read more...