Bea Binene nakatanggap ng bonggang birthday gift mula sa Viva; makakasama si Heaven Peralejo sa ‘The Rain In España’

Bea Binene nakatanggap ng bonggang birthday gift mula sa Viva; makakasama si Heaven Peralejo sa 'The Rain In España'

Bea Binene, Marco Gallo at Heaven Peralejo

ITINUTURING ni dating Kapuso star Bea Binene na isa sa biggest blessing na natanggap niya ngayong 2022 ang bago niyang project under Viva Entertainment.

Last Friday, November 4, nagdiwang ng kanyang 25th birthday ang dalaga kaya naman nasabi rin niya na magandang birthday gift din ang mapasama siya sa youth-oriented series na “The Rain in España” na ibinase sa sikat na Wattpad university series.

Isa si Bea sa mga ipinakilalang celebrities sa naganap na mediacon/storycon ng Viva last November 3 para sa bonggang cast reveal na isa sa naging top trending topic sa Twitter at iba pang social media platforms.

“I feel very blessed because I just signed with Viva. A few weeks after, they called me for script reading and then, a few days after, nag-send na sila ng schedule.

“Parang, ‘Ay, talaga? Agad-agad?’ Nakakatuwa naman, sobrang blessing talaga, so sobrang na-excite po ako,” chika ng dalaga nang malamang napili siya bilang isa sa mga bida ng “The Rain in España.”

Aminado naman ang aktres na inatake siya ng matinding kaba at pressure nang tanggapin ang proyekto dahil knows niya na marami ang nagbabasa ng Wattpad university series na isinulat ng young author na si Gwy Saludes.

“Yung pressure and yung nervousness is always there because for me, number one, this is my first project outside of my network before.

“Malaki yung pupunuan namin dahil marami talagang expectations. Kumbaga, may iba’t ibang imaginations, may iba’t ibang ideas yung readers about our characters, so siyempre nandoon. We have to really do a good job and give justice to the role,” pahayag ni Bea.


Medyo feeling sad lang si Bea dahil alam niyang hindi na niya masyadong makaka-bonding ang  mga kaibigan niya sa GMA dahil sa paglipat niya sa Viva Artists Agency.

“Siguro nga mas malungkot kasi hindi na kami magkikita. Wala naman akong regular show doon, so hindi kami masyadong magkikita.

“Pero we make sure na nagkikita pa rin kami outside work and they’re happy for me. Nakakatuwa!” pahayag pa ni Bea Binene.

Samantala, makakasama rin ni Bea sa “The Rain in España” sina Marco Gallo, Heaven Peralejo, Krissha Viaje, Aubrey Caraan, Nicole Omillo, Gab Lagman, Andre Yllana, Francis Magundayao, Gabby Padilla at Frost Sandoval. Ito’y sa direksyon ni Theodore Boborol.

Ang phenomenal University Series sa Wattpad, na mayroong 550 million combined reads, ay mapapabilang na sa mga sikat na book-to-screen adaptations mula sa Viva.

Mula sa panulat ni Gwy Saludes (mas kilala bilang 4reuminct), ang seryeng ito ay binubuo ng anim na love story na nagsimula sa mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas.

Ang “The Rain in España” na mula sa direksyon ng blockbuster director na si Theodore Boborol (Finally Found Someone; Vince, Kath & James) ay iikot sa pag-iibigan ng isang taga-UST at isang Atenista. Ang romantic comedy series na ito ay magkakaroon ng sampung episodes.

Anytime now ay magsisimula nang mag-shooting ang buong production kaya abangers na lang ang mga fans sa announcement ng Viva kung kailan ito mapapanood.

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

Bea Binene tapos na ang kontrata sa GMA, lilipat na rin ba ng TV network?

Bea Binene hindi pa kayang magpaseksi; pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco

Read more...