Andre Yllana sa pagiging anak nina Aiko at Jomari: Disadvantage po para sa akin kasi grabe yung pressure

Andre Yllana sa pagiging anak nina Aiko at Jomari: Disadvantage po para sa akin kasi grabe yung pressure

Andre Yllana, Aiko Melendez at Jomari Yllana

KUNG may isang ugaling namana ang young actor na si Andre Yllana sa mga magulang niyang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana yan ay ang pagiging diretso at totoo.

Isa si Andre sa mga ipinakilalang celebrities ng Viva Entertainment bilang isa sa cast members ng upcoming series na “The Rain In España” sa ginanap na cast reveal at presscon nito last Thursday.

Makakasama niya rito sina Bea Binene, Francis Magundayao, Marco Gallo, Heaven Peralejo at marami pang iba, sa direksyon ni Theodore Boborol.

Sa isang bahagi ng storycon ng book-to-screen adaptation ng “The Rain in España na mula sa Wattpad university series, natanong si Andre kung ano ang advantage at disadvantage ng pagiging anak ng mga artista sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz.


Diretsahang sinabi ng anak nina Jomari at Aiko na isang disadvantage para sa kanya ang magkaroon ng mga magulang na parehong sikat sa mundo ng showbiz.

“Sa totoo lang po, disadvantage pa nga po kasi ‘yung pressure. Siyempre, parehong artista ang mga magulang ko, maraming ine-expect ‘yung mga tao sa ‘yo.

“Para sa akin lang naman po ito, ha. Para sa akin, wala po talagang advantage, disadvantage po para sa akin. ‘Yun lang naman po kasi yung pressure po talaga,” lahad ni Andre.

Pero paglilinaw ng young actor, may mga pagkakataong din naman na nae-enjoy niya ang pagiging anak ng celebrity couple lalo na kapag dumadalo siya ng events dahil kahit paano’y nabibigyan siya ng special treatment.

“Siguro, may ilang instances po na magagamit mo siya as advantage, pero ‘di naman para gamitin pa. Kasi, minsan parang may, ‘O, di ba, anak ka ni ganito, anak ka ni ganyan,’ ‘E, di, ganito ka, ganyan ka,’ ‘O, dito ka na,’ parang may special treatment po,” aniya pa. Pero dagdag ni Andre never daw niyang inabuso ang ganitong sitwasyon.

Sa isang vlog ni Aiko, inamin nga ni Andre ang matinding pressure na nararamdaman niya bilang baguhang aktor, “Pinakanape-pressure lang naman ako kasi magaling kang umarte.

“Hindi naman lahat ng artista kapag nagsimula magaling na agad. ‘Yun ‘yung pinakakinatatakutan ko, na baka hindi ko ma-reach ‘yung standards ng mga directors,” sabi ni Andre kay Aiko.

Samantala, para naman sa co-stars ni Andre sa “The Rain In España” na si Heaven Peralejo na pamangkin nina Rica at Paula Peralejo, wala naman daw masyadong effect sa kanya ang pagkakaroon ng mga kapamilya sa showbiz.

“Parang I’m making my own name. So, I don’t think na sobrang laking part as a Peralejo because I’m making my own name as Heaven, as an actress who can portray a lot of characters and give the roles justice,” katwiran ng dalaga.

Para naman sa isa pang member ng cast ng serye na si Frost Sandoval, anak ng aktres na si Lara Morena, may magandang epekto rin sa kanya ang pagiging celebrity kid.

“I can run to my mom whenever I’m not confident in my craft. I think the advantage is she paved a way for my path and I’m following it. In the same way, I’m also trying to make my own way, my own path,” sabi ng binata.

Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito

Andre Yllana: Kung may nambu-bully sa atin, siguro inggit lang sila o may problema sila sa bahay

Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng ‘eggs’; may request kay Jomari para kay Andre Yllana

Read more...